Ciela's POV
"Did you enjoyed?" tanong ni Lei habang naglalakad kami pauwi.
Binaba lang kami ng sinakyan namin sa may kanto at kailangan pa lakarin ng kaunti para makapunta dito sa bahay namin.
At kasama ko si Lei ngayon. Sabi daw niya ihahatid niya ako para siguradong ligtas lalo na at madilim na bahagya ang paligid.
"Oo, sobra." sabi ko.
"Ciela," he called. I hummed as a response.
"What is your dream?" biglaang tanong niya na nagpatigil sa akin.
"My dream?" tanong ko ulit at tumango siya.
I pressed my lips. "To be a nurse." I simply said.
"No. What I mean is your actual dream. The dream that your heart desires, a dream that you always imagine yourself as one?"
"I always imagine myself becoming a model. Walking on runways, posing for a brand, taking photoshoots and just enjoying it." sabi ko habang nakangiti siyang nilingon.
"But I guess in my situation, malabong maging isa akong model. So i'll just stick being a nurse." nagpilit akong ngumiti sa kanya.
"Paano mo nasabi? It wouldn't be impossible as you think if you work hard to pursue it."
Napaisip ako dahil sa sinabi niya.
"Kuya Lei!" nagulat kami ng biglaang sumulpot si Cieura sa harapan namin at nagpakarga kay Lei.
"Hi Cieura, nagpapasaway ka ba kay ate Ciela mo?" mahinang tanong ni Lei habang karga si Cieura.
Malakas na umiling si Cieura bago yumakap kay Lei. "Good" he whispered.
I think if someone look at us, would think we're a family. Lei holding Cieura in his arms as I looked at them.
We walked more around while Lei is still carrying Cieura.
"Hindi ba siya mabigat?" tanong ko.
"Hindi naman, I could still carry her."
When Cieura fell asleep, umuwi na kami.
Pinapasok ko muna si Lei sa loob bago inilapag ang kapatid ko sa sofa. Tita is already asleep since it's kinda late na.
"Thank you," sabi ko kay Lei ng makalabas kami.
"My pleasure," he said smiling.
Nagulat ako ng bigla siyang pumunta sa likod ko at hinawakan ang buhok ko.
May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya bago tinali ang buhok ko ng marahan at puno ng ingat.
I could feel his hot breath on my nape and I could feel my cheeks burning.
Pagkatapos niya itali humarap siya sa akin.
"You're sweating. Tinali ko muna ang buhok mo, return to me that hair tie tomorrow." he informed me as I nodded and smiled.
"Keep your hair tie up often, it suits you better. It emphasize more of your features." biglaang sabi niya.
Bahagyang namula ang pisnge ko dahil sa kanyang sinabi.
Napatikhim siya bago marahan na ginulo ang buhok ko.
He leaned in closer to me.
"Goodnight Ciela." he whispered in a deep baritone voice.
He smirked before turning his back.
Napatitig lang ako sa papalayo niyang likod. Bago mabilis na kumaripas ng takbo sa loob.
***
"Nawawala cellphone ko!" reklamo ni Joy na kanina pang paikot ikot ng room.
"Nasa poke ko beh." pambabara sa kanya ni Kevin.
"Beh wala kang poke." Freia said sarcastically.
Napanguso si Kevin at malakas siyang inupakan ni Joy.
Tumayo ako sa upuan dahil nararamdaman ko ang tawag ng kalikasan.
Paglabas ko ng CR nagulat ako ng makasalubong ko si Lei.
Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ciela may ano ka," makahulugang bulong niya.
"May ano?" naguguluhang tanong ko.
"May tagos," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"Ha!!?!" agad akong sumandal sa pader at tinignan ang likod ko. Halos mawalan ng dugo ang mukha ko ng makitang malaki ang tagos sa pants ko.
Bakit ba kasi ako nagsuot ng puti na pants?!
"Stay here." sabi niya bago umalis.
I waited for him while panicking. Pakiramdam ko naiiyak na ako.
Laking gulat ko ng mabilis siyang bumalik habang hinihingal.
"I have a spare pads and a jacket. Para matabunan ang tagos mo," hinihingal pa niya na sabi. He is also carrying his bag.
"O-okay," awkward na sabi ko. Bakit ba kasi sa lahat ng tao siya makakakita?!
Pumunta muna ako ng CR at naglagay ng napkin. Paglabas ko nakita ko si Lei na nakasandal sa may pinto.
"Maayos na pakiramdam mo?" seriously he acts like a concern mother during his daughter's first period.
Tumango ako. He leaned in closer to me and tied his jacket around my waist.
His manly perfume lingered in my nose. Ang bango!
Despite him leaning towards me, he is still towering me with his tall well built body.
Napatikhim ako pagkatapos niyang ilagay ang jacket sa beywang ko.
"T-thank you," sabi ko.
Aalis na sana kami ng biglang dumating ang mga classmates ko. Mukha din silang nagpapanic.
"Ciela natagusan ka daw?!" gulat na sabi ni Kevin.
"Maayos ba pakiramdam mo? Masakit ba puson mo?" tanong ni Freia.
"May nap-" napatigil sila sa pagsasalita ng tumikhim si Lei.
"She's already fine." his baritone voice assured them. Tumingin muna sila saakin, giving me that totoo-ba-sinasabi-niya look at tumango ako.
"Okay. Pumunta kasi si Lei sa room, nagpapanic. Akala namin kung ano lang eh, natagusan ka daw. Buti nalang may spare siya na napkin daw sa bag," mapangasar na tinignan ni Gwy si Lei na namumula ang tenga.
"Nagpanic ka?" tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa batok bago tumango.
"Haha, sige aalis muna kami ha? Enjoy the moment," makahulugang sabi ni Kevin bago kinaladkad ang iba paalis.
Naririnig ko pa ang reklamo ng iba pero agad ding nawala.
"Why do you have spare napkins sa bag mo?" I asked confused.
Kasi diba, lalaki siya tapos may napkin sa bag niya? Diba ang weird nun?
"Ah a-ano kasi... for emergencies?" patanong din niyang sabi.
I didn't ask him any questions at ngumiti nalang. Halata kasing hindi niya sasabihin ang totoong rason eh.
"Thank you! Lalabhan ko nalang 'to na jacket mo at ibabalik sa'yo kapag malinis na!" masayang sabi ko.
"Don't worry, you can have it." nakangiting sabi niya.
He guided me as I walk towards our room. Nasa tabi ko lang siya.
Mukha tuloy kaming magjowa eh!
___________
A/N: really sorry for the long update, we're currently busy for the upcoming prom and cheerdance pa, kaya medj tight ang schedule. hope you understand, love u luvvies!!!
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Teen FictionCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...