Ciela's POV
Napatitig lang ako mula sa malayo habang nakatingin kung paano tumatawa si Lei habang kausap si Lavena na nakaupo sa mga batong upuan dito sa campus.
Napa nguso ako. Hays, parang deja vu lang nung kay Frank.
Bakit ba kasi ang hilig ko magmahal sa taong may mahal na iba?
"Mahal ka nun." biglaang sulpot ni Kier sa tabi ko.
"Huh?" naguguluhang tanong ko. Mahal daw ako nino?
Ngumiti siya sa akin bago umalis. Anyare dun?
"Hey stop following me, you're so baliw!" nagulat ako ng biglang dumaan sa mismong harapan ko ang bagong transferee habang padabog na naglalakad.
"I'm not baliw! You are the one that is baliw!" Rai keeps pissing her off while following her. At mukhang gumana dahil masama siya nitong tinignan bago mabilis na tumakbo.
"Anong ginagawa mo dito mag isa?" sabi ni Lei na nasa tabi ko na.
I looked up at him before rolling my eyes. "Nanonood ng romantic show." pilosopong sabi ko.
Nanonood ako sa paglalandian niyo ni Lavena.
Mukha siyang tangang tumitingin sa paligid. "Saan? Isama mo naman ako." innocenting aniya.
Ngumiti ako ng sobrang tamis sa kanya. Na kahit ata langgam lalapitan.
"May paa't kamay ka naman diba? Edi magsarili ka!" I rolled my eyes at him before walking back to our room.
"Ciela galit ka ba?" parang bata niyang tanong habang nakasunod na parang aso sa likod ko.
"Hindi."
"Galit ka eh!"
"Hindi nga sabi." tila iritado ko na sabi.
"Ihhhh galit ka!" malakas akong napabuntong hininga dahil sa kagagohan niya.
"Lei tumigil ka dyan, sasapakin kita!" banta ko.
"Ng halik?" malalim na aniya na nagpatigil sa akin.
"Ulol" singhal ko.
Pero pwede naman.
"Ang selosa naman ng bebe ko na 'yan." nakangiting akbay niya pa sa akin. Ramdam ko agad ang pamumula ng pisnge ko.
Naman eh, wag ganito tol.
"May sakit ka ba? Bat ka namumula?" tanong ni Lei habang sinisilip ang mukha ko. Agad nanlaki ang mata ko at inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin.
"W-wala!" depensa ko bago mabilis na pumasok sa room.
"Kuya crush ka daw nito oh!" sigaw ni Kevin habang nakaturo kay Gwy. Nakasilip kasi sila sa bintana at sakto recess namin kaya maraming students ang nasa field ng campus.
"Huy, gago ka! May jowa 'yan!" inupakan siya ni Gwy.
"Edi ipilit na'tin!" sagot pa ni Kevin dahilan para mapangiwi siya sa malakas na kurot ni Gwy.
"Nagtitinda ka pala ng stroller? 2nd hand ba 'yan?" tanong ni Rose habang nakatingin sa phone ni Aizie.
"Oo eh, gusto mo ba?"
"Available pa ba 'yan?"
"Oo, may white at pink na color. Mukhang bago pa 'yan kahit 2nd hand. Gets mo?"
"Yup, pero mas bet ko kapag 3rd hand."
"Nangagago ka ba sis?" iritadong singhal ni Aizie.
"Tsaka hindi naman ata kasya diyan baby ko eh." si Rose.
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Ficção AdolescenteCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...