"Please sige na, baka pwede pa lumipat ng ibang section. Samahan nyoko magtanong. Ayaw ko dito, please wala akong kaclose!" I begged them as they shrugged me off.
"Tumigil ka nga. Bawal na daw eh, tsaka hindi ka naman nila kakainin as if maganda ka." mataray na sabi ni Nadia na ikinatigil ko.
Alam ko naman kasi na hindi ako maganda, bakit kailangan pa ipamukha?
"Joke lang! Baka umiyak ka nanaman eh, ang oa mo kasi. Anyway kaya mo na 'yan dyan. Goodluck sa first day of school mo!" she smiled sarcastically before leaving with Erora.
Good for her since magkaklase sila ni Erora. While I'm stuck here in this other section all alone.
Napabuntong hininga ako ng maalala ang kanyang sinabi. It didn't hurt though, because she said its a joke naman ang friends do jokes like that. She often jokes at me like that but not to Erora. I just think na maybe she likes me kaya ganun nalang siya magjoke.
But part of me is quite offended by her words. I shrugged away my thoughts, she is my friend. They are my only friends.
Pagpasok ko ng classroom wala pang masyadong tao kaya umupo agad ako sa pinaka malapit sa bintana. It felt comfortable. Nakikita ko mula dito ang ibang students na pumapasok sa kanya kanya nilang room.
Napangiti ako ng makita ang tatlong magkakaibigan na nagaakbayan habang naglalakad. We never done that, mostly nasa likod lang ako nila Nadia habang magkayakap sila ni Erora, one time they forgot na kasama pala nila ako kaya naiwan ako sa mall.
They apologized and I forgave them. Minsan kasi makakalimutin ang tao, kaya nakalimutan accidentally ata nila ako. Its okay lang naman, atleast naka uwi ako ng maayos.
Unti-unting dumadami ang tao sa room hanggang sa mapuno lahat ng empty seats. The school bell rang indicating for the start of clasess. Since first day of school require magintroduce yourself sa harap.
I hate that.
Kung pwede lang wag na magpakilala eh o kaya wag na tumayo sa harap. It causes me anxiety while standing infront. Last year nang nagintroduce yourself kami muntik na akong mawalan ng malay sa harap dahil sa sobrang kaba.
Napalunok ako ng pangalan ko na ang tinawag para pumunta sa harap. Napa buntong hininga ako bago tumayo at humarap sa kanila.
"Hi I'm Ceila Lavelle Avila. You can call me Lavy in short. I-im-" kinakabahang sabi ko habang tinitignan ang mga mata nilang nakatitig sa akin.
I could feel my heart beating like crazy as I looked at their eyes staring right back at me. My hand started trembling and sweats were forming on my forehead.
Ipagpapatuloy ko pa sana ang sasabihin ko ng maramdaman ang pagkabara ng bituka ko. A lump on my throat.
I swallowed hard.
I tried avoiding their gazes but I couldn't.
Maybe they think I'm stupid for standing here infront just staring at them. Ramdam ko ang iritasyon sa mga mata ng iba habang may ilan na nagaantay sa susunod na sasabihin ko.
"Y-yun lang p-po." mabilis na sabi ko.
Agad akong napaupo ng matapos ako magsalita. Ramdam ko padin ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Marahan akong napahinga para maibsan ang kaba na nararamdaman. One down, seven to go.
The teacher just told us about the school rules at regulations na dapat sundin. Since first day palang, bukas nalang daw magtuturo ng lessons. Get to know each other muna kami.
Recess came at agad akong pumunta ng canteen dahil andun sila Nadia. When I reached the table they were gossiping again about someone.
"Alam mo yung babae sa kabilang room, yung bagong jowa ng ex mo? May putok daw, jusq first day of school hindi manlang nagdeodrant." bulong ni Erora.
"Ewan ko nga kung bakit siya 'yung pinalit. Eh sariling putok hindi macontrol, paano pa kaya ang relationship nila?" reklamo ni Nadia.
"Baka sa sobrang pagmamadali nakalimutan?" biglaang sabi ko.
"Tumahimik ka nga dyan. Kinakampihan mo pa eh, magsama kaya kayo tutal mukha ka namang putok." aniya na ikinatawa ni Erora.
Napatahimik ako dun. Kilala ko ang babaeng sinasabi nila. Nakita ko kanina kung paano siya nagmamadali papunta dito kaya siguro nakalimutan magdeodrant. Hindi naman masama 'yun, Bakit hindi nila sabihin mismo ng harapan kaysa pagchismisan?
Awkward akong sumabay sa pagtawa nila na ikinatigil nila.
"So kanina pala umupo ako sa malapit na bintana since wala akong kai-" napatigil ako sa pagsasalita ng biglaang nagsalita si Erora.
"Yung kaklase pala natin na lalaki sa room? Crush ko siya!" tili niya na nagpabaling sa atensyon ni Nadia.
"Talaga?!" tili din ni Nadia pabalik.
I pressed my lips to force myself not to talk. Baka masimportante pa ata yung chika ni Erora kaysa sa kwento ko kaya hinayaan ko nalang sila. I just stood up and left. Tinignan ko ulit sila mula sa labas ng makitang naguusap pa din sila.
They hardly even noticed that I left. Baka busy sa pag uusap kaya hindi napansin ang pag alis ko.
Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon nasa'yo ang atensyon nila eh. Okay lang 'yun.
I reminded myself.
_____________
I'm just a new writer po, if you don't like my story, kindly skip. If you have some complaints po, kindly tell me and i will fix it immediately. Grammatical errors po ahead. Thank you!!
Ceila Lavelle Avila & Lei Andrique Del Fuego
This is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events, and incidents are part of author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance, to actual persons, living or dead, or
actual events is purely coincidental.WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE LANGUAGE AND CONTENTS THAT MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME READERS. READ AT YOUR OWN RISK
All rights received.
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Novela JuvenilCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...