Ciela's POV
"Ang init grabee!" reklamo ni Rose.
"Nakalimutan ko na earth pa 'to eh, para na kasing impyerno." sabi ni Aizie.
"Masyado na ba akong hot dahilan para kayo naapektuhan din?" sabi ni Freia sabay flip ng buhok na nagpangiwi sa iba.
"Shut up ka dyan sis, putok mo ang nanampal," pambabara sa kanya ni Kevin na ikinatawa namin.
Napakunot ang noo ni Freia bago inamoy ang sarili. "Gago wala naman ah!" sigaw niya bago hinampas si Kevin.
"Aray ha!"
Ramdam ko na init na tumatagos sa katawan ko. Kahit nakatutok na sa akin ang electric fan, ang init pa din!
"Maligo tayo sa ilog," wala sa sariling sabi ko na ikinalingon sa akin ng lahat.
"What if kaya?! Mamatay na ako sa init dito, baka dito na ako maheat stroke," sabi ni Clarisse habang nakatayo.
"Okay lang naman ata lumabas ng campus eh, lunch break naman at wag na tayo pumasok mamayang hapon." saad ni Gwy.
"Ano pa hinihintay niyo? Tara na!" excited na sigaw ni James bago kumaripas ng takbo palabas.
Nagkatinginan muna kami bago tumango sa isa't isa. Mabilis naming kinuha ang mga gamit at umalis ng campus.
"Grabe, first time ko lumabas ng campus para maligo sa ilog!" tili ni Rose habang tumatalon talon pa.
"Hindi kaya papagalitan tayo nito?" kinakabahang saad ko.
"Hindi 'yan!" sabi ni Kevin at tumango ang iba.
"Okay, excited na ako!" sigaw ko at umakbay kay Joy.
Hindi naman masyadong kalayuan ang ilog kaya nilakad nalang namin.
Ilog siya na ginawang likhang kalikasan resort. Malinis din ang tubig at malamig. Kaya marami ang naliligo dun kung gustong magtipid at magpalamig.
"Anong kakainin natin dun?" tanong ni Aizie.
"May puno ng mangga sa amin! Kumuha tayo dun tas kainin natin dun!" sabi ni Clarisse na ikinatango namin.
Pagdating namin sa bahay nila, agad na nagpalit ng damit si Clarisse at ang iba umuwi muna para magpalit ng damit.
Ako, Gwy, Kevin, Joy, Rose ay napagdesisyonan na hindi nalang magpalit dahil nakapants at t shirt lang naman kami.
Agad na umakyat si Clarisse ng puno at sumunod si Aizie.
"Ilalaglag ko ang mangga, saluhin niyo ha!" sigaw ni Clarisse sa taas.
Nanlaki ang mata ko ng may unti unting nalalaglag na mangga.
"Kunin na natin dali!" sigaw sa amin ni Gwy.
Agad naming kinuha ang mga mangga at nanlaki ang mata ko ng matamaan si Gwy sa mismong ulo niya.
"Aray! GAGO ANG SAKIT!" naiiyak na sambit niya.
"Tnga ka kasi eh, sinong gaga ang sasalo ng mangga ng nakapikit?" pambabara sa kanya ni Kevin habang tumatawa.
"Wala akong makita! Kasalanan ko ba na mahina eye sight ko?" sigaw pabalik sa kanya ni Gwy.
"Mahina pala eh tapos nagvolunteer kapa na taga salo." Kevin rolled his eyes at her.
"Wag na nga kayo mag away! Ciela saluhin mo 'to!" sigaw ni Aizie sa akin.
Agad ko na sinalo ang manggang nilaglag niya.
"Nakuha ko na! Marami na ata 'to eh. Okay na, umalis na tayo!" sigaw ko.
Sakto lang din at pagbaba ni Clarisse at Aizie ay pagbalik ng iba.
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Teen FictionCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...