Chapter 39

65 2 0
                                    

Lei's POV

"Lei!" napalingon ako sa hinihingal na si Kevin.

Humawak siya sa balikat ko upang kumuha ng suporta at habol hininga akong nginitian.

"Gagala kami mamaya, kasama si Ceila. Sa Star City ah! Alam mo na gagawin mo," binigyan niya ako nang makahulugang tingin bago nagets ang ibig niyang sabihin.

Kinindatan niya ako bago umalis.

Agad ko ding hinanap ang barkada ko at saktong nasa field sila malapit sa kinaroroonan ko.

Nakaupo sila sa isang bench na ilalim ng puno.

Halatang gulat sila sa biglaang pagsulpot ko.

"Akala ko ba hindi ka pupunta dito kasi lalandiin mo si Ceila?" sabi ni Rai.

"Gala tayo. Star City after class, libre ko." diretsahang sabi ko na ikinagulat nila.

"Seryoso!?"

"May pinopormahan ata 'to eh."

"Akala ko ba si Ceila lang?"

"Basta ako g na g basta libre."

"Hindi kaya gagala din sila Ceila dun?"

"Hindi ata? Hindi ko alam,"

"May ikakameet ba siya dun?"

"Hindi ko alam, basta gusto magunwind?"

"Tarantado. Magunwind lang sa Star City pa? Ano maguunwind sa roller coaster na pati kaluluwa mo unwind din?"

"Sasama ba kayo o hindi?" hindi ko na mapigilang mapatanong. Andaming reklamong sasabihin pero hindi sigurado kung sasama ba o hindi.

Anak ng-

"Oo naman!" sabay sabay na sigaw nila.

Napangisi ako.

"Ow, pupunta kasi sila Freia dun. Kaya pala nagyaya 'to eh kasi kasama daw si Ceila." naagaw ang atensyon namin ng magsalita si Cassian habang nakatingin sa cellphone.

Nakangisi pa.

"Kaya naman pala- teka paano mo nalaman?" natigilan si Rai nang may mapansin.

Napaisip tuloy ko. Nabanggit niya si Freia... hindi kaya-

"Bakit kayo magkausap ni Freia? May namamagitan ba sa inyo na hindi namin alam?" malisyosong tanong ni Rai na ikinatigil ni Cassian.

Mukha tuloy siyang nabuhusan ng malamig na tubig.

Ibinuka niya ang kanyang bibig pero agad ding tiniklop. Halatang may sasabihin pero hindi din itinuloy.

Nagkunware pa siyang may tumawag bago nagsignal na aalis muna.

"Hays, nakakainggit na. Sanaol kasi may love life na." napailing na sabi ni Keir na ikinahalakhak ni Rai.

Napangisi ako sa kanyang sinabi bago sumandal sa puno na nasa likod namin.

***

"Seryoso magiikot ikot lang tayo dito? 30 minutes na eh hindi pa tayo sasakay ng rides?" naririnig kong reklamo ni Rai.

May kung anong ibinulong si Keir sa kanya na ikinatahimik agad.

Napatingin ako sa paligid. Bakit wala pa sila rito?

Nanlaki ang mata ko ng makitang nauunang maglakad si Kevin at tumingin sa direksyon ko.

Hindi din nagtagal nakita ko na sila Ceila. I smiled.

"Ayun naman pala eh."

We walked towards them. Not making obvious that we're actually here for them.

"Lei? Ginagawa niyo dito?"

You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓ Where stories live. Discover now