Lei's POV
Naagaw ang atensyon ko ng pumunta sa harap ang president namin after ng klase.
"May drawing competition daw this upcoming week. Kung sino ang interesado na sumali just tell me and I'll sign you up. This will be a good opportunity for you to enhance your talent. The winner will get to receive a cash prize and his/her work will be posted on the school's wall." annunsyo niya.
"Pre sumali ka kaya? Good opportunity 'yan!" sabi ni Keir kay Rai.
"Tarantado baka tite madrawing ko dyan!" depensa niya.
"Eh gago ka pala eh!" binatukan siya ni Keir na ikinangiwi ni Rai.
"Ikaw Lei? Di ka sasali?" napabaling ako sa tanong ni Cassian.
Napaisip ako. I don't have any passion on drawing though, plus nakakatamad magpractice. I'd rather bury myself to studying than practice for that compition.
"Ayoko." sabi ko at napatingin kay Ciela.
She was being drawn with her thoughts. Does she want to join but hesitant?
After the announcement agad siyang lumabas.
"Ah...ihi lang ako," sabi ko sa kanila.
"Huy hindi mo'ko isasama?"
"Gago ako isama mo!"
"Tumigil nga kayo!" suway sa kanila ni Cassian.
"Edi ikaw nalang sumama, chossy ka pa ha gusto naman!" tumawa si Keir sa sinabi niya at naghampasan pa sila ni Rai.Hindi ko na sila lubusang pinansin at sinundan si Ceila. Pero hindi ko naman masyadong binigyan ng halata.
Napatingin ako sa relo ko at napansing lunch na pala. Hindi ko na ipinagpatuloy ang pagsunod kay Ceila at lumiko nalang papuntang canteen.
Habang nakapila napansin ko ang mga kaibigan ni Ceila na nakaupo sa mesa na malapit sa pinipilahan.
Hindi din nagtagal nakita ko ang pagpasok ni Ceila at umupo kasama ang kaibigan niya.
She was all smiles. And her friends didn't even noticed that.
Bitches.
Napaiwas agad ako ng tingin ng dumako ang tingin ni Ceila sa pwesto ko.
Shit. Baka isipin niya na sinusundan ko siya!
Napapikit ako ng mariin. Shit ka talaga Lei kapag mahuli ka.
"Gusto ko sumali sa drawing competition. What do you guys think?" naririnig kong sabi niya habang ngumunguya.
"Ikaw? Sasali? Baka stick man lang ang idrawing mo dun, mapapahiya kalang kapag hindi ka manalo." natatawang sabi ng kaibigan niya.
"Kaya nga. Stop your hopeless hopes Ciela. Be realistic, like c'mon you don't even know how to draw. Drawing competition 'yan eh tapos hindi ka marunong magdrawing, baka tumunganga kalang dun."
Hindi ko mapigilang sumilip sa kanila at napakunot ang noo ko ng mapansing natigilan si Ceila sa sinabi ng kaibigan niya.
Unti unting nawala ang maliwanag na ngiti niya at napalitan ng pilit.
Napaiwas siya ng tingin at nagpokus sa kanyang kinakain. I could see her eyes reflecting the light, halatang pinipigilan niya lang na tumulo ang mga luha niya.
"Kilala mo ba ang batang iyan?" tanong sa'kin ng tindera kaya nilingon ko ito.
She was referring to Ceila.
"Kaklase ko po," ngumiti ako sa kanya ng matamis.
"Tsk. Tsk. Kawawang bata. Alam mo ba madalas ko siyang napapansin na apiapihin ng kanyang mga kaibigan. Naku kaya palaging malungkot ang mga mata niya eh, halata pa naman na masayahin siya pero parang kinakain siya ng kanyang sariling kalungkutan." mahabang sabi niya habang nakatingin sa mesa nila Ceila.
Ngumiti nalang ako sa kanya ng matamis bago bumili ng pagkain ko.
Looks like I wasn't the only one noticing the loneliness in her eyes.
She may seem alive but her eyes screams her death.
For some reason, I want to see her genuine smile. Yung ngiting abot sa kanyang mata na sa sobrang liwanag matutunaw nito ang kanyang kalungkutan.
For once, I want to become a reason for her smiles.
"Huy saan ka galing? Hala bumili na siya ng pagkain!" reklamo ni Rai.
Lumapit naman saakin si Cassian at Keir bago napasimangot.
"Parang tanga naman. Sabi sabay sabay tayo bibili ng ulam eh,"
"Parang hindi friends amp,"
"Unahan ko ma kaya 'to magfriendship over?" rinig kong reklamo nila sa mismong harapan ko.
Wala akong nagawa kundi ngumiti nalang sa kanila bago nilagpasan at nauna sa room.
Pagpasok ko sa unang pinto napadako ang tingin ko sa mesa ni Ceila. May nakapatong na sketch book dun.
Tumingin muna ako sa paligid at napansing halos lahat ng kaklase ko nasa labas.
I felt hesitant to even touch her sketch book since it's her privacy but I'm really tempted to see.
Hanggang sa namalayan ko nalang na unti unti ko na itong binubuklat.
My lips formed a smile seeing her sketches.
Some were scenery and faceless characters. But what really caught my attention was a sketch of a guy being half naked.
With it's pulsating abs and structured details. It was captivating to look at especially the face....
that fucking looked like me.
I tried blinking thrice just to make sure na mukha ko ba 'tong nakadrawing kaso biglaang may narinig ako na kaluskos sa gilid kaya mabilis ko itong itiniklop at kumaripas ng takbo papunta sa upuan ko.
What the fuck was that!?
***"Hey kanina ka pa lutang dyan, may problema ba?" napadako ang tingin ko sa harap ng may nagsalita malapit kay Ceila.
Bat ba kasi agad akong napatingin kapag kay Ceila?
Clarisse ata ang pangalan. I'm not sure. It's too boring to keep on memorizing their names.
Pero kay Ceila okay lang.
"W-wala," sabi ni Ceila.
"Iniisip mo din ba na sumali sa drawing competition? Yan din kasi pinag uusapan namin eh."
"H-hindi n-naman."
"Sus, kunware pa. Sumali ka kaya? Masaya 'yun! Sasali naman si Joy eh, magsama kayo 'dun!"
"Wala naman akong talent sa pagdrawing eh."
Sus wala daw pero nakakaguhit ng abs!
Nakakapagtaka tuloy, paano kung ipakita ko sa kanya mga abs ko? May possibility kaya na idrawing niya?
I should really get to work on my abs. To make it more hotter than her drawing. Maggygym na talaga ako tuwing umaga!
"Si Joy nga eh! Hindi marunong pero sasali daw."
"Sumali ka na! Masayang experience din 'yun!"
"Oo nga, manalo man o matalo atleast nag enjoy diba?!"
"Take the risk or lose the chance. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Take that leap of faith and hope for the best. Don't worry about the potential consequences, just do it. Take a chance and don't look back. We only live once, so let's make it count. It's your life, no one else's."
Nakita ko kung paano unti unting naliwanagan si Ceila. Halatang sa pamamagitan ng pagpush sa kanya nagkakaroon siya ng tiwala sa sarili.
She just needs to realize that trusting herself is a kind of validation she needed.
Damn Ceila, what are you doing to me?
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Teen FictionCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...