Ciela's POV
Pagpasok ko ng school laking gulat ko ng bigla akong hinila paharap ni Freia.
"Ciela may good news ako sa'yo!!" kinikilig na aniya. Ramdam ko din ang excited na tingin ng mga kaklase ko.
"Ano 'yun?"
"So my mom works as a make up artist in a modeling agency, tapos narinig niya na naghahanap daw sila ng new young models. My mom asked me if may kilala daw akong pwede ihire, then I thought of you!" tili niya.
"A-ako?" naguguluhang tanong ko.
"Yes! So sabi ko, my friend Ciela would love this opportunity. Without a second thought I signed you in! I know you need a little bit more pushing just to agree about this offer, but think of it as your biggest opportunity!" masayang aniya.
"Yeah! Tsaka it's your dream naman so why don't pursue it?" biglaang tanong ni Joy na ikinatigil ko.
Mukhang napansin nila kung bakit ako natigilan kaya napahagikgik sila.
"We often caught you watching modeling videos, magazines and runways. So we assume na you liked modeling." natatawang sambit ni Gwy.
"The audition is due this afternoon. Don't worry sasamahan ka namin, we'll support you! So please think hard of it okay?!" sabi ni Freia na ikinatango ko.
***
"I want to audition in a modeling agnecy, ano sa tingin niyo?" I asked Nadia and Erora habang nasa canteen kami.
Bahagyang nasamid sa iniinom niyang tubig si Nadia habang nabulunan naman si Erora.
Malakas na napatawa si Nadia as if I just told them the funniest joke ever. Nagpunas pa siya ng kunwareng luha habang tumatawa.
"Modeling? Girl, do you even like it?" natatawang tanong ni Nadia.
Oo, sobra.
"Modeling are those who have talents in that job. And for you..." taas baba akong tinignan ni Erora .
"Mukhang wala." dugtong ni Nadia.
"Alam mo Ciela walang masama mangarap, pero parang napasobra ata kana eh," natatawang saad ni Erora na sinabayan ni Nadia.
Suddenly I just felt my fist battling.
Nakaramdam ako ng pagkawasak at pagkapahiya. Mga kaibigan ko sila pero hindi sila naniniwala sa akin at walang pakialam sa mga pangarap ko. Mukhang wala silang tiwala sa kakayahan ko at interesado lang silang ibagsak ako.
Bakit hindi na lang nila ako suportahan?
Pinagtatawanan lang nila ako sa pagsunod sa mga pangarap ko.
Unti-unti na silang nagiging unsupportive at dismissive sa akin.
Hindi yata nila ako naiintindihan. Ni hindi nga nila alam kung paano naging bahagi ko ang pagmomodelo. Kaibigan ko sila pero hindi nila alam yun?
Making assumptions about me and doesn't really take the time to listen to me and try to understand my point of view. Rushing to judge and judge me based on their own beliefs and ideas, without really considering me as a person with my own thoughts and feelings
Arrogant and egotistical.
Ginagawa lang nila akong biro, na nagpaparamdam sa akin na talagang maliit at walang halaga.
How... could they?
"Why don't you just quit it? You know, para bawas stress sa buhay mo? Tignan mo sarili mo, you looked 60's na tuloy!" nagtawanan sila ni Nadia sabay hampasan pa.
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Teen FictionCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...