Ciela's POV
"What about Lavena? Anong meron sa inyo?" I curiously asked while walking home with Lei holding my hand.
"She's my cousin. She also works in a modeling company and currently making a name for herself. Bumisita lang siya dito at nagkataon na pinuntahan niya ako sa school. She often visit me kaya hindi ako masyadong nasa room lately." he explained. Napatango ako.
Pinsan lang naman pala.
"Why? Were you jealous of her?" tanong niya na ikinasamid ko sa sariling laway.
"Hindi ah!" depensa ko.
Napatawa siya. "You shouldn't. She already has a boyfriend."
"Ay weh?"
"Yup. So don't be jealous." he pinched my nose.
"Hindi nga kasi sabi!"
"We're here." sabi niya pa. Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
Nalungkot tuloy ako. Mamimiss ko siya.
"Don't miss me, magkikita pa naman tayo bukas." natatawang sabi niya.
"Paano mo nahalata?"
"It's written in your face?"
"Huh? May nakasulat ba na 'mamimiss kita' sa mukha ko?" I touched my face.
Bat parang wala naman?
I flinched when he suddenly kissed my forehead before hugging me tightly.
"Goodnight, Ciela. I'll see you tomorrow." napanguso ako ng unti unti na siyang umaalis.
"Love you!" sigaw ko.
"Mahal kita Ciela!" sigaw niya pabalik.
Malawak ang aking ngiti habang papasok sa bahay.
"Nakita ko 'yun." nagulat ako ng nagsalita si tita na nakasandal sa may pinto.
"Ikaw ha, gumaganun na!" biro niya pa.
"Inggit ka lang tita eh!"
"Aba itong batang 'to!" natatawang aniya bago ako hinabol.
"Sali ako!" pagpapakarga ni Cieura. Agad ko siyang kinuha bago tumakbo sa loob ng bahay habang tumatawa.
"Wahh tita is catching up!" tili ni Cieura habang humahagikgik.
"Mga batang 'to! Ang kukulit! Mahuhuli ko kayo!" sigaw ni tita dahilan para mapatawa kami.
***
"Shit, ang sarapan talaga ni Jineinna." pabirong bungad ni Kevin ng pagpasok ni Jineinna.
"Syempre, ako na 'to eh!" napahalakhak kami sa sagot niya.
"Ito ang totoong masarap!" biglaang sulpot ni Ian habang hawak-hawak ang isang magazine.
Agad niya iton inilapag sa table dahilan para magsilapitan ang iba.
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ang aking sarili sa magazine habang hawak 'yung product. Sa kabilang picture naman ay kami ni Lavena. I could feel my heart fluttering with Joy as I stared at the magazine.
I felt excited and motivated, I know this is just the beginning of my modeling career and I'd like to work harder to make sure that this is just the beginning of many more successes.
"Ang ganda ni Ciela!"
"Parang gusto ko tuloy magpaapak sa kanya, ako pa mismo magsosorry."
YOU ARE READING
You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓
Teen FictionCiela Lavelle Avila. A girl living from people's expectations and appraisals. Hiding beneath her mysterious mask and silenced thoughts. A pathological people pleaser whose been used and abused by her own friends. Not until she will meet a new set o...