Chapter 29

64 3 0
                                    

Ciela's POV

The silence was too loud between us.

Pakiramdam ko masyadong napadami ata kwento ko. Nakakahiya.

Tumikhim ako at kunwareng tumingin sa relo ko.

Lumaki ang mata ko ng makitang 10:00 nang gabi!

Naramdaman ko ang paggalaw niya. "It's getting late. Hindi ka pa nagdinner." aniya.

Napatingin ako sa kanya at hindi ko mapigilang tumitingin sa mga labi niya.

Damn those juicy, pinkish, plump lips.

Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko ng maalala bigla yung nangyari sa amin sa condo niya.

That kiss.

Napaiwas agad ako ng tingin nang nanliliit na mata akong tinignan ni Lei.

"Let's eat. My treat." aniya na nagpatigil sa akin.

"Ah no! Wag na! Busog pa ako 'no" wala sa sariling depensa ko bago ngumiti sa kanya.

Pero masyadong taksil ang tiyan ko at narinig namin ang malakas na kumalam ang sikmura ko.

He chuckled loudly.

Nanlulumo akong napayuko. Parang gusto ko na tuloy magpakain sa lupa!

Tumayo si Lei sa kinauupuan niya bago kinuha ang mga gamit niya bago tumayo sa harapan ko.

"Let's go." he offered me his hand.

Napatingala ako sa kanya. Naguguluhan kung tama bang desisyon na sumama sa kanya kumain sa labas.

Paano kung makita kami ng girlfriend niya?

Mukhang napansin niya ang naguguluhang mukha ko kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila patayo.

Nanlaki ang mata ko nang hinapit niya ang beywang ko palapit sa kanya.

Agad na namula ang mukha ko nang mapansin na masyadong malapit ang mga mukha namin.

"It's my treat." malalim na boses na sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"S-sige." wala sa sariling sambit ko na ikinangiti niya.

He bit his lips before dragging me outside to his car while still holding my waist.

Silence was surrounding us the whole ride until we reached the restaurant.

Nakakapagtaka lang kasi walang tao maliban sa amin.

May lumapit sa amin na waiter at may kung ano siyang sinabi kay Lei bago tumingin sa akin.

Lei glanced at me for a second before looking back at the waiter, chuckling.

Jinujudge ba nila ako?!

May kung anong binulong si Lei sa waiter na ikinatawa nito. Napailing pa silang dalawa.

"Yes sir." the waiter glanced at me teasingly before leaving.

"Ano 'yun?" iritadong tanong ko kay Lei.

"Nothing babe." mahinang sabi niya.

Ano daw?

Hindi nagtagal bumalik ulit yung waiter.

"Table for Mr and Mrs Del Fuego, this way po." ani ng waiter na ikinalaglag ng panga ko.

Before I could react more, Lei pulled me towards our table.

Bahagya kong hinampas ang hand bag ko sa tyan niya na ikinagulat niya.

You're Losing Me (Lost Hearts Duology #1) | ✓ Where stories live. Discover now