Chapter(32)

79 0 1
                                    

- - - - - -



RAFAELL




Andito kami ngayon sa resto bar ko, kami lang ng barkada ko ang tao dito dahil pinasara ko, every friday kasi parang reunion namin. Kaya andito kami. Pinag uusapan namin yung tungkol sa pag sali ni Peachi sa pag mo-model.

"Alam ba ni Wendon na sumali si Peachie?" Tanong ni Mikaella samin.

Napatingin sila lahat saken parang alam ko ang sagot. Nag kibit balikat naman ako. "I don't know."

Inakbayan ako ni Jhon na katabi ko. "We all know what his plans. You two are bestfriend. Kaya sabihin muna."

Tumingin ako sakanila, kulang kami. Si Peachie and Bryle, hindi makakarating iyon dahil bussy sa company nya.

"Wala akung alam dito. Ok?"

Umiling si Gerald. "Kung ano man yang pina'plano nyo. Make sure that our friend Peachie na hindi masasaktan."

"That's right!" Sangayon ni Angela.

"Hindi nyo naman siguro sasaktan si Peachie no?" Tanong ni Mykel na parang worried talaga.

Ininum ko ang wine ko. "Nah-uh. Para din sakanya 'to. I mean... The both of them. Isa ang gumagawa ng plano, silang dalawa ang makikinabang."

Tumango sila. Biglang nag ring ang phone ni Sandra. "It's Peachie."

"Papuntahin mo dito." Sabi ko.

She nods. "Hey girl. Kamusta?"

Hindi naman talaga sya masasaktan, i mean... Physically, dahil ang puso nya lang ang masasaktan.

"You what?! Won?! Grabe! Bilib na talaga ako sayo!"

I smiled so wide. Nanalo sya, tama. Kahit wala ito sa plano namin, sya parin ang nag wagi. Iba talaga ang ganda nya, iba talaga ang kamandag nya.

"Come over here at Rafaell's restobar. Andito kaming lahat."

"Hahahaha. Ok, ok. You like him?"

Napatingin kami lahat kay Sandra. Nakatingin sya saken na parang worried sya.

What did she say? Him? Peachie, like someone?!

"Ok... Bye.." Binaba agad ni Sandra ang phone nya at tinignan ako. "Silvery." Ang taging lumabas sa bibig nya.

I close my fist... Silvery.

"Whose Silvery?" Tanong ni Angela.

Tahimik lang kaming lahat. Si Angela ay kaibigan namin pero kunti lang ang nalalaman nya dahil mahirap na, minsan kasi hindi nya ma control ang bibig nya at masasabi nya ito na hindi nya malalaman. Kahit na nauna sya naming naging kaibigan kisa kay Peachie ay mas close nila lahat si Peachie. Iba din kasi ang pakiramdam ko kay Angela.

Napatingin ako kay Sandra na tahimik habang nakatingin sa anak nyang si Georgia. Alam ko naman na iniiwasan nya si Angela dahil mag tatanong lang ito ng mag tatanong.

"Honey, sino si Silvery?" Hindi mapakaling tanong ni Angela kay Mike na fiañcè nya na ngayon.

Napatingin sakin si Mike na parang nag tatanong kung sasabihin ba nya or hindi, nag kibit balikat naman ako. Tumingin sya sa mga kaibigan namin, nakita ko na nag iwasan sila ng tingin hangang sa nagalit na nga si Angela. Under ni Angela si Mike, mahal na mahal na sya ngayon ni Mike, ewan ko lang kay Angela, alam ko naman na masama mag judge when it comes to love at higit sa lahat na hindi ito saken at hindi ko makita ang puso nilang dalawa, I'm 100% sure na mahal talaga ni Mykel si Angela, ewan ko lang dyan kay Angela.

I Didn't Know I Am Captured Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon