The Disaster

703 19 16
                                    

"Hi Sir..." pa-shy kong bati pagbukas ng pinto ng office ni biggest little boss.

Kabado isandaan talaga ako ngayon. Bakit naman niya ako ipapatawag dito sa office niya? Dahil ba nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya? Pa'no niya na-knows eh kaming dalawa lang naman ang nando'n no'ng araw na 'yon?

Baka naman may mali akong ginawa sa trabaho ko? Wait, wala naman akong natatanggap na memo. So far, maayos naman ang trabaho ko. Maaga akong mag-time in. Nago-OT din ako kapag kailangan. 'Yon nga lang 80% chismis, 20% work ang ginagawa ko. Nahuli kaya kami kaya ako nandito? Pero bakit ako lang? Ang daya!

Tumayo lang ako sa tapat ng pinto habang busy siyang pumirma ng mga papel. Inikot ko ang paningin sa office ni biggest little boss. Favorite color niya kaya ang black? Halos lahat ng gamit niya rito itim eh. Mula sa sofa, sa table, at sa office chair. Kahit coffee mug niya, itim din! Magkano kaya bili niya sa mga gamit niya rito? Lalo na 'yong laptop...

"Ms. Liu."

Nagulat ako nang bigla niya akong tinawag. Huling-huli si ate mo girl na sinisipat ang office niya.

"Yes Sir?" I showed my wide smile to him. Naks, English. Sana nga lang wala akong visible tinga, 'di pa ako nakakapag-toothbrush.

"You can sit. May itatanong lang ako."

Shete, paktay ka na talaga Jackie Liu! Bakit ba kasi naisipan kong sa rooftop pa magdrama no'ng araw na 'yon?

"Ano po bang itatanong niyo, Sir?" Sir? Can you hear my heartbeat over there?

Tinigil niya ang pagpirma at tinitigan  ako. Tama nga 'yong sinabi nila na gwapo si Sir. Ang amo ng mga mata niya. Ang tangos din ng ilong! Bagay na bagay sa kanya 'yong suot niyang navy blue long sleeves. Ang kinis din ng balat niya. Ano kayang sabon ang...

"Will you marry me?"

Ha?

Anudaw?

"Ha? Ser?" Anong meron sa kasal? "Marry" lang ang narinig ko.

Nakatitig pa rin siya sa pretty face ko. "Will you marry me? Payag ka bang magpakasal sa'kin?"

Mga two minutes yatang nag-loading ang utak ko bago ma-gets ang sinabi niya.

"A-ako Ser? Papakasalan mo?"

Tumango siya.

"Hala si Sir pina-prank yata ako!" Natatawa ko pang sabi.

"No," seryoso pa rin siyang nakatitig sa'kin. Tumigil na rin ako sa pagtawa. "I'm dead serious."

Weh? Pa'no 'yong dead? Hahahaha! Pero mukhang seryoso talaga si boss. Napanganga na lang ako.

Wait lang! Anong kalokohan 'to?  Three months pa lang simula no'ng ipakilala siya sa'min! Ni hindi nga niya ako nakakausap tapos gusto niya akong pakasalan?

"Eh Sir...! A-ano..." Hindi ko alam anong unang salita ang sasabihin sa sobrang daming gusto kong sabihin.

"What?" Haluh, ang cute ni Sir kapag nagsusungit na.

"A-ang bilis..."

"I know, kaya nga sa Friday ipapakilala na kita sa parents ko." Seryoso niya pa ring sabi.

Wednesday ngayon so... HAAAA?!

SANDALE ANONG NANGYAYARI?

---*

A/N:

Li Jaqui/Lamuyangzi as pretty Jackie Liu

Li Hong Yi as Uriel De Guzman

Naisip ko 'tong story na itey after manood ng CDrama nila together na The Legendary Life of Queen Lau. Ang cutie nila do'n! Kaya kapag may free time, nood din kayo. 36 episodes 'yon na nagri-range sa 40-50 minutes.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon