NAGTATAKA ako kung bakit nandito ako sa kwarto paggising. Sa pagkakaalala ko, natulog ako sa kotse. Posible kayang binuhat ako ni Sir U? Sa bigat kong 'to, kaya niya ako?
Hinanap ko agad 'yong phone ko para tingnan ang oras. Nasa'n na ba 'yong bag na gamit ko kagabi? Ah, nandito sa tabi ko.
6:30 AM na?! Nako, lagot! Hindi pa ako nakakapagluto ng almusal!
Bumangon agad ako at binuksan ang pinto. Nakita kong maglalapag na si Sir U ng plato na may lamang pancit canton sa lamesa.
"Oh, good morning Jackie." Nakangiti niyang bati sa'kin.
Aba'y talagang good morning! Ang pogi ng nabungaran ko sa umaga eh.
"Sir ako na diyan," lalapit na sana ako sa lababo pero pinigilan niya ako.
"No, I'm nearly done na. My cooking is not as good as yours pero safe naman. You go sit on your chair."
Madali akong kausap so umupo na ako. Big breakfast ang hinanda ni Sir U. May sunny side up egg, hotdog, bacon, tasty bread, blueberries, strawberries, pancit canton, at may niluluto pa siyang ham.
"Ang dami mo namang niluto Sir! Breakfast party ba itey?"
Nilapag niya na sa mesa ang platito ng ham. "I don't have any idea kung anong gusto mong breakfast so niluto ko 'yong madaling lutuin."
Naglakad siya papunta sa tabi ko. "What do you want? Ilalagay ko sa plato mo."
Ikaw Sir, ikaw ang gusto ko. "Ano ba Sir U, may mga kamay naman ako. Kaya ko na 'yan!"
"How about drinks? Coffee, tea, juice?"
...or me? Bakit kulang 'yong question?
"Ako na 'yan Sir. Ako na magtitimpla." Tumayo ako para gumawa ng kape sa coffee maker.
Huminga siya ng malalim at umupo na. Wait, parang nag-iba ang vibes.
Umupo na rin ako at naglagay ng pancit canton at itlog sa pinggan ko. "Pasensiya na, wala munang bento box for lunch ngayon."
"Okay lang." Ay, ang cold ng reply.
After ng ilang minutes, tapos na ang kape. Sinalin ko na sa coffee mugs namin at nilapag sa lamesa.
"Thank you," cold niya pa ring sabi.
"Okay ka lang Sir? Anong problema?" Tanong ko habang kumukuha ng blueberries.
Umiling siya. Tahimik kaming kumain. Nauna siyang matapos. Pinanood ko siyang tumayo at hugasan ang sarili niyang pinagkainan. Ano bang problema nitong lalaking 'to?
Pinanood ko pa rin siyang pumasok sa kwarto niya. Hinintay ko talaga hanggang sa lumabas siya ulit para mag-jogging.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang ulo ko. "I'll go out na." Tapos umalis.
Napakunot noo ako. Usually kini-kiss niya ang noo ko bago umalis. Although hindi naman talaga kailangan 'yon, nakakapagtaka lang. Sabi nga niya he's a man of habit so an'yare ngayon?
*
Iniisip ko pa rin kung anong problema ni Sir U hanggang sa office. Hindi ko talaga maisip anong mali kaninang umaga. Dahil ba ako ang nagtimpla ng kape kanina? Lagi ko namang ginagawa 'yon! Dahil ba hindi ako nag-thank you kasi siya ang nagluto?Napa-snap ako. Baka nga. Nakalimutan ko kasing magpasalamat. Hayst, signs of aging nga naman.
"Ano at may pag-snap ka pa diyan?" Tanong ni Tine nang lumapit sila sa work space ko.
"Ah, may naisip lang ako bigla," sagot ko.
"Accla, lunch na. May plano ka bang bumaba?" Tanong ni Tanya na nakaupo na sa mesa ko.
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomantikWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...