Chapter 16: Conception

375 16 18
                                    

"YIIEE!" Asar ko kay Sir U pagpasok ng unit. "'Yon ba talaga si Brent? 'Yong crush mo?"

Hindi niya ako kinibo. Naglakad siya papunta sa ref para uminom ng bottled water.

Para akong ewan na nakatayo sa gitna ng sala, naghihintay ng sagot niya.

"Oo, siya nga." Hindi pa nakabukas ang aircon dito pero ramdam ko na ang lamig ng treatment niya.

Hindi ako nagpaapekto sa pakikitungo niya sa'kin. Lumapit pa ako sa kanya. "So? Kinilig ka ba?"

Tinitigan niya lang ako habang hawak ang bote ng tubig. Ibubuhos niya ba sa'kin 'yong laman?

"So what kung kinilig ako?" Inirapan niya pa ako bago siya tumalikod sa'kin. Ito na ba ang suplado/cold era ni Sir U?

"Good night." Sabi niya sa'kin bago siya pumasok sa kwarto niya.

Huh? Naguguluhan ako sa kinikilos ngayon ni Sir U. May nangyari kaya sa kanya para maging ganito siya ngayon?

*
Nagising ako ilang minutes bago mag-alarm ang phone ko. Tumayo na ako agad para makapagluto ng breakfast. Nakakahiya kasi last time, si Sir U pa ang nagluto.

Paglabas ko nang kwarto napansin ko na agad ang McDo paper bag sa ibabaw ng mesa. May nakadikit na blue sticky note.

I'm out.

So ngayon, iniiwasan niya na rin ako? Ayaw niya na akong makasabay kumain ng breakfast?

Nilabas ko isa-isa ang laman ng bag. May three piece pancakes, dalawang hash brown, at chicken fillet ala-king.

Umatras ang lungkot ko pagkakita ng pagkain. Kahit ang cold sa'kin ni Sir U, hindi niya pa rin ako hinahayaan na magutom.

Habang kumakain, iniisip ko kung bakit ang aga niya lumabas ngayon. For the first time sa loob ng tatlong buwan na pagsasama namin dito sa condo, ngayon lang siya 'di kumain ng niluto kong breakfast.

What if... Magkasama sila ni Brent ngayon na nagja-jogging?

Napangiti ako habang ngumunguya ng pancake. Ano kayang pinag-uusapan nila ngayon? Panigurado si Sir U, kilig to the bones! Ikaw ba naman makasama mo crush mo eh.

Straight kaya si Brent o ka-federasyon din siya? Sinubukan kong imagine-n sila side by side, bagay naman. Parehas silang gwapo at yummy. Problema nga lang, 'etong si Sir U hindi pa nasasabi ang totoo niyang pagkatao.

Pa'no kapag naging sila? Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko, mga 30%. Tapos magmu-move in na si Sir U sa katapat na unit. Madalas ko na silang makikita na magkasama, HHWWPSSP. Kaya ko ba kapag napunta na sa sitwasyon na gano'n?

Umiling ako. Ang mahalaga, sa'kin na ang condo unit. After ng one and a half year dapat wala na 'kong pake sa kung sino man ang magustuhan ni Sir U. Magiging happy na lang tayo for him. Tama. That's it. Perfect.

Tumunog ang security lock. May narinig akong boses ng mga lalaki. Nalooban ba kami? Pinakinggan ko kung kanino ang mga boses. Kilala ko 'yong isa.

"I really like the ambiance of this condo. It's so homey. Kaya I chose this place kahit it's quite pricey."

"Yeah, secured din."

Nakita ko na si Sir U kasama si Brent. Nakasuot silang dalawa ng muscle tee at shorts. Kitang-kita ko 'yong hubog ng maskels nila.

"Uy, hi! Gising na pala ang fiancee mo." Si Brent na kumaway pa sa'kin.

Pa'no niya nalaman na ako ang fiancee ni Sir U? Nakwento kaya niya kay Brent?

Kumaway din ako pabalik. "Kumain na kayo?"

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon