"MARK! Sandale! Huuuy!" Binilisan ko ang takbo ko mahabol lang siya. Bakit ba ang bilis niyang maglakad? May taxi bang naghihintay sa kanya?
"Mark, wait lang sabi eh!" Napahinto ako nang bigla siyang humarap sa'kin.
Magkasalubong ang kilay niya, halatang inis na. "Ayoko na sa'yo, Jackie. Hindi ka ba nakakaintindi? Tigilan mo na kami!"
Tinulak niya 'ko ng malakas. Matutumba na sana ako pero may humawak sa'kin mula sa likuran ko.
"Miss, okay ka lang?" Ang gwapo naman ng boses. Titingala na sana ako para tingnan kung sino ang sumalo sa'kin nang tumunog ang alarm ko sa phone. Oras na para bumalik sa reality.
Kinapa ko kung nasa'n ang phone ko para patayin ang alarm. Ang bilis naman matapos ng dalawang araw. Gusto ko pa sana mag-extend ng leave pero alipin tayo ng pera. Kailangan natin mag-werk werk para sa ekonomiya.
Umupo ako at nagtanggal ng muta sa mata. Naalala ko 'yong panaginip ko kanina. Hanggang d'on ba naman pinagtutulakan ako ni Mark palayo?
Deserve ko naman siguro ng proper closure, ano? Ano ba naman 'yong kausapin ako ng maayos para makipaghiwalay. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya. Kung ayaw, eh 'di don't!
Chineck ko ang oras sa phone. 5:35 AM na. Dapat 6 AM magsimula na 'kong kumilos para pumasok. Meron pa akong 25 minutes para mag-breakdown. Nice.
---*
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng office building. Pang-ilan ko na nga ba 'to?
Habang naglalakad papasok at pag-tap ng ID sa scanner, isa lang pinapanalangin ko. Sana 'di ako mag-relapse habang nagtatrabaho.
Tama nga 'yong mga napapanood ko sa TikTok. Pinakamahirap na parte ng moving on 'yong relapse phase. 'Yong out of nowhere bigla mo siyang maaalala tapos maiiyak ka na lang. Kapag may nabanggit na word o may nakita kang bagay na makakapagpaalala sa kanya, maiiyak ka na lang ulit. Akala mo, okay ka na pero naaalala mo na naman masasayang araw niyo tapos iiyak ka na naman ulit. Kung nagiging barya lang ang mga luha ko malamang may pang-Lazada at Shopee na ako.
Buti na lang 'yong pinahiram na damit ni landlady nagkasya sa chubby body ko. Pambihira naman kasi si Mark, hindi man lang iniwan mga damit ko no'ng naghakot sila. Hindi naman magagamit 'yon ng bago niya.
Nasa third floor ang customer service office. Papunta na sana ako sa work area ko nang makasalubong ko si Tine, isa sa mga work bff ko.
"Hoy baks! Kumusta? Masakit pa ba katawan mo?" Bati niya sa'kin. Papunta yata ng pantry ang baccla at may dala pang malaking mug.
"Oo, naging best friend ko ang Ibuprofen at Salonpas. Sobrang sakit ng katawan ko after ng team building!" Masakit pati na rin ng puso ko.
"Kasi naman, lahat yata ng activities do'n sinubukan mo. 'Di mo kami ginaya pa-pretty lang sa tabi."
Natawa ako. "Sayang kasi. Sinamantala ko na, isang beses lang sa isang taon ang team building ng company eh. Sige na, lapag ko muna 'tong bag ko."
"Okies, timpla muna ako ng kape. Y'know naman, sleep is life but kape is lifest."
Pinunasan ko muna ang table ko bago nilapag ang bag ko. Walang halong kaplastikan pero na-miss kong humarap sa PC ko.
Pag-open ko ng work email, sumalubong sa'kin ang 100+ na messages sa inbox. Binabawi ko na pala 'yong naisip ko kanina.
"Pssst!"
Lumingon ako para tingnan kung sino ang sumitsit. Si Tanya pala, isa ulit sa work bff ko. Sinenyasan niya akong lumapit.
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
Lãng mạnWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...