Chapter 17: First Night

371 16 14
                                    

PUMASOK si Sir U sa bahay nila Kuya Seph. Napatulala ako sa presensiya niya at may narinig na naman akong bg song sa utak ko.

🎶You walked in
Caught my attention
I've never seen
A man with so much dimension🎶

Bakit ba ang gwapo ni Sir U sa paningin ko? Lalo na ngayon na nakasuot siya ng black vest at white polo shirt. Pang-boy next door ang atake ng OOTD niya ngayon.

"Ito lang ba dadalhin?" Tanong niya.

Hinila ni Kuya Seph 'yong dalawang maleta at binigay ang isa kay Sir U. "Oo, isang buwan lang naman si Marian sa inyo."

"Uy baka matunaw," bulong ni ate Marian sa'kin. Natauhan ako. Kanina pa yata ako nakatitig kay Sir U.

Tinapik ni Kuya Seph ang braso ni Sir U. "Na-miss ka raw ni Jackie."

Napataas ako ng kanang kilay. "Hindi ah!" Pagdi-deny ko. "Kuya Seph talaga, kanina ka pa."

Panakaw akong tumingin kay Sir U. Poker face pa rin ang mukha niya.

"Tara na," yaya niya sa'min. Lumabas kaming apat sa garden nila. Nilagay ni Sir U at Kuya Seph ang maleta sa trunk ng kotse.

Lumapit si Kuya Seph kay ate Marian at niyakap niya ito. Awww, so sweet.

"Mag-iingat ka sa Davao ha? Behave ka do'n." Si ate Marian.

"Lagi naman akong behave, mahal. Ikaw lang pinakamaganda at pinakalove ko."

Gusto ko nang magtatatalon sa kilig. Ramdam na ramdam ko 'yong love nila sa isa't-isa. Kailan kaya kami magiging ganyan ni Sir U? Ehehehe.

Nanlaki ang mata ko nang mag-kiss sila sa harap namin. Para akong nanonood ng live show ng romance movie kung sa'n kailangan maghiwalay ng mga bida.

Umiwas ako ng tingin. Parang na-miss ko rin na may mag-kiss sa'kin sa lips. Huuuy!

Panakaw ulit akong tumingin kay Sir U. May binabasa siya sa phone niya. Hindi ko makita kung ano, ang tangkad niya eh.

"Alis na tayo," humawak si ate Marian sa braso ko. Kita ko na naluluha mga mata niya.

Pinagbuksan kami ni Sir U ng pinto. Naunang sumakay si ate Marian tapos ako. As usual, hinawakan ni Sir U ang ulo ko habang papasok ng kotse. Masakit kaya mauntog, 'no?

Sumakay na rin si Sir U. Habang paandar ang kotse, kumakaway si ate Marian kay Kuya Seph. Pansin ko na binabagalan ni Sir U ang pagtakbo para mas matagal ang pagpapaalam nila.

Huminga ng malalim si ate Marian nang papalabas na kami sa subdivision. "Minsan ang hirap din ng ganitong set-up. Kailangang umalis ni Joseph kapag may projects sa malalayong lugar tapos ilang buwan siyang mawawala. Hirap mag-asawa ng architect."

"Buti hindi naging issue sa inyo ang nature ng work ni Kuya Seph? Tsaka siyempre 'yong pago-overthink na baka may makilala siyang ibang babae sa lugar na 'yon."

Pinatong ni ate Marian ang ulo niya sa balikat ko. "Dati, napagdaanan namin 'yan. Pero kailangan mong magtiwala sa partner mo. Kung hindi, lagi kayong mag-aaway."

Okay, noted po.

"Tsaka," pagpapatuloy niya. "Kung magloko man siya, hindi naman ako ang mawawalan. Ang ganda-ganda ko ipagpapalit niya pa ba ako sa iba?"

"Ay, tama ka diyan ate Marian. Sapukin ko talaga si Kuya Seph kapag pinagpalit ka pa no'n." Tumawa siya.

Tahimik lang ang biyahe namin. Si ate Marian, nakaidlip na sa balikat ko.

Ginising ko siya no'ng nasa harap na kami ng condo building. Nakita ko rin si Brent na nakaabang sa'min.

"'Te, pembarya!" Sabi niya sabay bukas ng pinto.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon