Chapter 51: Fear

93 2 1
                                    

"MAUPO ka nga, Ms. Jackie Liu. Kanina ka pa lakad nang lakad," sita sa'kin ni Kuya Cielo. Nakaupo siya sa katapat na sofa na inuupuan namin ni Kuya Seb.

Umupo ako sa tabi ni Kuya Seb pero tumayo ulit ako. Hindi talaga ako mapakali. Kanina pa umalis si Tita Dawn papunta sa bagong hide out na hinanda ni Tito Gab. Ang usapan namin, magvi-video call siya once na makarating siya doon.

Kahit anong gawin ko na inhale-exhale hindi ko pa rin magawang kumalma. "What if," napatingin silang dalawa sa'kin. "May bomba rin 'yong sinakyan ni Tita Dawn na van? O kaya naman may humarang sa kanilang van din tapos may mga armadong lalaki na kikidnapin siya? What if meron sa kanilang sumunod na riding-in-tandem tapos babarilin sila sa loob? What if 'yong driver pala na sinakyan niya traydor pala tapos imbes na dalhin siya sa bagong hide out, dinala siya kay Tito Bobby?"

"Kakanood mo ng teleserye 'yan," natatawang sabi ni Kuya Cielo. "Wala ka bang tiwala sa'min? Kay Sir Gab?"

Naluluha akong umupo ulit sa tabi ni Kuya Seb. "Nagwo-worry lang ako ng bongga. Simula no'ng gabing 'yon, parang na-paranoid na 'ko. Pakiramdam ko lahat threat sa buhay ko. Parang anytime, may papatay sa'kin."

Tinapik ni Kuya Seb 'yong balikat ko. 'Yong luha na pinipigilan ko kanina, na-fall na. Nag-ugly cry na si baccla.

"Uwi na tayo," humihikbi kong sabi sa kanila. "Gusto ko nang umuwi sa condo unit tapos mag-almusal ulit kasama si Sir U tsaka si Brent. Gusto ko na ulit pumasok sa office para makasama mga tropa ko r'on. Gusto ko pang mag-overnight ulit kasama sina Tita Leah. 'Yong anak ni ate Marian 'di ko pa nakikita. Gusto ko nang bumalik lahat sa dati!" Umiyak ako ng malakas - 'yong parang wala nang bukas. Hanep, magka-rhyme pa. Need kong ilabas lahat ng takot na nararamdaman ko sa pamamagitan ng iyak. Kasi kung hindi ngayon, kailan pa?

Hindi na 'ko makahinga kasi barado na ang ilong ko pero forda talk pa rin ang ferson. "Pwede bang sabihin ko kay Tito Bobby na kanya na lahat ng yaman ko? Hindi na 'ko makikialam. Gusto ko lang bumalik sa dati kong buhay. 'Yong tahimik pero masaya. Kanya na lahat ng pera ng mga Liu basta makasama ko lang ulit silang lahat."

Mahinang tinatapik ni Kuya Seb 'yong likod ko. "Kukuha lang kita ng tubig, Ms. Jackie."

Tumayo na siya habang ako humihikbi pa rin. Bakit kasi kailangang dumating pa sa ganito? Masaya naman ako sa dati kong buhay no'ng 'di ko pa alam na anak ako ni Andrew Liu. Akala ko ba kapag mayaman, puro bakasyon ang aatupagin o kaya naman kayang-kayang kumain ng masasarap na pagkain araw-araw? Bakit no'ng ako na ang naging mayaman, patayan na ang ganap? Hindi ako aware na may balat ako sa pwet para magkandamalas-malas ako ng ganito.

Inabot ni Kuya Seb 'yong bottled water sa'kin. "Dahan-dahan, baka mahirinan ka."

"Salamat," kahit gusto ko nang itigil ang pag-cry 'di ko magawa. Ang sama talaga ng loob ko kay Tito Bobby. Samahan pa na I feel super sad kasi nami-miss ko na silang lahat. Sabayan pa na natatakot ako 'di lang sa safety ko pati na rin kila Kuya Seb at Cielo.

Uminom ako ng konti. Ramdam ko na 'yong maga at hapdi ng mata ko. Balewala 'yan kumpara sa sakit na nararamdaman ng heartness ko.

"Ms. Jackie, naiintindihan namin ni Kuya Cielo 'yong nararamdaman mo. Kahit ako rin, nami-miss ko na 'yong iba naming kasamahan pati na si Sir U," tinapik niya ulit ang balikat ko. "Isipin mo na lang, kailangan nating pagdaanan 'to para makita natin sila ulit."

Inabutan ako ni Kuya Seb ng tissue. "Umiyak ka lang hanggang gusto mo, Ms. Jackie. Nandito lang kami ni kuya para sa'yo."

"Mas lalo akong naiiyak sa sinasabi mo Kuya Seb," sabi ko habang nagpupunas ng luha. Potek, singkit na nga ang mga mata ko mas sumingkit pa kaiiyak ko.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon