Chapter 13: Gathering

428 16 15
                                    

ANO nga bang pinagkaiba ng fall in love at stay in love?

Wednesday na pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong sinabi ni Sir U no'ng Monday. Don't fall in love. Stay in love with me. Hindi ko pa rin ma-gets. Kakaloka!

"Why is your face like that?" Tanong ni Sir U na kumakain ng adobo for breakfast. Ang aga-aga, binabanatan na naman ako ng English.

Kumuha ako ng ulam tsaka nilagay sa pinggan ko. "May iniisip lang."

Ginawa kong adobo na may patatas 'yong tirang fried chicken kagabi. "Anong oras nga pala ang dinner mamaya, Sir U?"

"7 PM. You can use your early out credits para makapag-prepare ka."

Sa company, may tatlong beses na pwede kang mag-early out sa isang buwan.

"Ahhh, Sir U may itatanong sana ako. Medyo personal. Okay lang ba?"

Tumango siya. "Yeah, go. What's your question?"

"Anong klase ang mga kamag-anak mo sa father's side? Sila ba 'yong nag-aagawan sa lupa type, nagsho-showdown sa videoke...?"

Nag-smirk siya. "You'll see later."

Pikon na pikon na ko sa 'you'll see' na laging reply ni Sir U. Kapag ako nabuwisit, iki-kiss ko 'to.

"Tsk, bakit ba ganyan lagi sagot mo sa'kin? Kahit si Kuya Seb, ganyan din mga sagutan." Hindi ko na maitago 'yong frustration ko. Ang sarap naman ng breakfast ko, inis.

"I don't want you to expect. Baka mamaya sabihin ko ganito ugali nila while in fact, you don't find them that way."

Huminga ako ng malalim. "Sabay ba tayong pupunta do'n?"

"Of course," Tapos na siyang kumain. "I'll pick you up at 6. You choose the one that you'll wear among the new dresses I bought you."

Huh? May bago na naman akong mga damit? Ang shala talaga ni Sir U. Kada may event, binibilhan niya ako ng bago.

As usual ako ang mauunang umalis. Paglabas ko ng unit, nakita kong nakabukas ang pinto ng katapat namin at may mga lalaki na naga-arrange ng mga gamit sa loob. Makikiusyoso pa sana ako kaya lang baka ma-late na 'ko.

Pagsakay ko ng kotse, tatanungin ko dapat si Kuya Seb about sa mga kamag-anak ni Sir U pero naalala ko baka parehas lang sila ng sagot.

"Kuya Seb, may bento ulit akong dala rito. Kumakain na ba si Sir U ng lunch?"

"Yes, Ms. Jackie. Gusto niya lahat ng pini-prepare mo."

"Buti naman."

"Ms. Jackie..."

"Ano 'yon, Kuya Seb?" Tiningnan ko siya gamit ang rear view mirror.

"Ah, wala po. Hehe."

Minsan ang weird din ni Kuya Seb. Pero keri lang.

Pagbaba ko ng kotse, narinig kong may tumawag sa'kin. Kilalang-kilala ko 'yong boses na 'yon. Dalawang taon ko ba namang nakasama sa iisang bubong.

"Jackie!"

Dedmabels lang ang ate niyo girl pero binibilisan ko ang paglakad. Ayokong makipag-usap sa kanya at baka masapak ko siya. Magkaro'n pa 'ko ng memo from HR.

"JACKIE!"

Narinig kong papalapit na 'yong boses so lakad takbo ang ginawa ko papasok ng office building.

Shems, nakalimutan ko pang ilabas agad 'yong ID ko. Maghahanap pa tuloy ako sa bag.

Tumabi muna ako sa gilid para maghalungkat ng gamit. Hay nako, kung kailan ka nga naman nagmamadali tsaka mo hindi mahanap ang kailangan mo.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon