Chapter 34: Pretention

294 10 7
                                    

"ANO namang hindi mo ma-gets ha?" Iritang tanong ni Brent.

Lumapit siya sa'min. "I really don't get why Uriel chose you over someone else na obviously, mas suitable sa kanya."

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Brent.

"At sino naman ang deserve ni Uriel? Don't tell me ikaw?" Nakapameywang at taas kilay niya pang sabi.

"Why not?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa then pabalik. Mukhang diring-diri pa ang bruha.       "I'm sexy and smart. Kaysa naman sa baboy na 'to."

Magri-react na ako pero umepal na naman 'tong si Brent. "Anong sabi mo?"

"I won't take back anything I've said," pagtataray ni Bea. "Y'know what, pinagtatawanan ng mga ka-batch namin sa Bruner si Uriel kasi he chose someone cheap."

Papatulan ko na sana pero lagi akong nauunahan nitong kumag.

"So?" Sagot ni Brent. "Alam mo kung sinong cheap? Kayo! Mga judgmental. You don't know how awesome and wonderful Jackie is."

Gulantang akong napatingin sa kanya. Talaga ba, Brent? Awesome and wonderful ako? Ano kayang kailangan nito at ganyan makapuri sa'kin?

Nag-cross arms si Bea. "Who cares if she's a good person? She doesn't fit in our world. Tingnan mo nga, she looks like a beggar in a nice clothing."

Medyo tinatamaan na ako sa mga sinasabi nitong bruhilda na 'to ah. Masakit na sa heart 'yong mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Who cares?" Tanong pabalik ni Brent. "At least, Jackie has people who genuinely loves her. Eh, ikaw? 'Yan bang mga so called friends mo kaibigan mo talaga?" Ramdam ko na 'yong tension sa pagitan nila. Word war na nga ituuu. "Kung alam mo lang, bina-backstab ka nila. Kaya 'wag mo 'kong simulan, Bea Villarin. Alam ko mga baho mo."

Halatang nagulat si Bea sa mga pinagsasabi nitong si Brent. "Why are you the one getting angry?"

"Eh, sa gusto kong magalit sa'yo eh!" Dalawang kamay niya na ang nakapameywang. "Sabi ko nga sa'yo, maraming nagmamahal kay Jackie at kayang-kaya siyang ipagtanggol sa mga tulad mo."

Pinanood ko na lang silang dalawa na magbangayan. Wala, inagaw na ni Brent ang spotlight ko. Mas affected pa siya kaysa sa'kin na iniinsulto.

"Tapos na ba kayo magsagutan?" Tanong ko. "Alam mo ikaw, babaeng janitor fish na parang sinapak kasi pulang-pula ang labi, wala na kayong magagawa kung ako ang bet pakasalan ni Sir U. Kung gusto mong umalma d'on ka sa barangay!"

"And you're really answering back huh?" pang-aasar niya.

"Oo! Wala tayo sa teledrama para magpaapi ako sa'yo. Lalabanan talaga kita!" Inambahan ko siya ng suntok. Taena nitong babaitang 'to, ina-unleash ang inner Amazona ko eh.

Napaurong siya. Natakot yata sa kaya kong gawin sa kanya.

"Ano? Sabihin mo lang, ready to fight ako." Finlex ko 'yong imaginary maskels ko.

"Weird," naglakad siya paurong. "I don't know what has gotten to Uriel to have people like you." Tinalikuran niya na kami.

"Siya nga 'yong weird. Ang lakas magsimula ng away tapos no'ng hinamon mo, biglang umurong." Nilabas ni Brent 'yong phone niya.

"Duwag lang 'yon," sagot ko. "Lakas makapanlait hindi naman kayang makipag-away ng pisikal."

"Tara na nga lang, selfie tayo. Ilang buwan na tayong mag-frenny wala man lang tayong ka-picture picture," aya ni Brent.

"Sosyal naman, iPhone 15!" Sana all!

"Well," nag-ayos-ayos pa ng buhok ang mokong. "Gano'n talaga kapag nakakaahon sa buhay."

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon