NA-AMAZE ako sa ganda ng sasakyan namin. Limousine!
"Ngayon lang ako nakakita nito sa personal!" Natutuwang sabi ko kila ate Marian at Brent na nakangiti lang sa'kin.
"'Only the best sa fiancee ko' 'yan ang bilin ni Uriel." Sabi ni Brent pagkabukas ng pinto ng sasakyan. Pinauna niya si ate Marian.
"Sinabi niya talaga 'yon?" Tanong ko. Baka kasi nagi-imbento 'tong si Brent eh, mabitin pa ang kilig ko.
"Ganyan ka naman, wala kang tiwala sa'kin." Pagtatampo niya kunwari. "Sumakay ka na nga."
Pagkasakay ko, sumunod naman siya. Ang cozy pala sa loob ng limo. Ang patugtog pa sa loob pang-party. Buhay na buhay na naman si Brent.
Sa Newport, Pasay City pa ang location ng hotel na pupuntahan namin. Nag-phone muna ako at nag-chat sa mga accla kung nasa'n na sila. Pare-parehas pala kaming OTW na.
Past 6 PM na kami nakarating sa venue. Marami-rami na ring tao sa ballroom ng hotel. Ang laki at ang lawak ng lugar. Pwedeng mag-unli cartwheel dito. May mga nago-offer na rin ng wine at champagne sa mga bisita.
"Maiwan ko na muna kayo, ate Marian. A-awra muna ako diyan sa tabi-tabi." Nakangising sabi ni Brent. Apakaharot talaga!
Mahigpit na kumapit sa braso ko si ate Marian. "Nasa'n na pala mga friends mo?"
"Hindi ko nga rin makita, ate. Ang laki kasi nitong lugar."
"Oh," nabigla ako sa kanya nang may bigla siyang tinuro. "Si Uriel!"
Sinundan ko 'yong direction ng tinuturo niya. Kitang-kita ko agad si Sir U na as usual, black ang suot na coat, vest at tie. Nanibago lang ako sa ayos ng buhok niya. Nagpagupit ba siya? Mas lalo tuloy siyang gumwapo.
"Baka matunaw," pang-aasar sa'kin ni ate Marian.
"Ate naman eh," pabebe akong nag-smile kahit nagi-internal scream na 'ko.
"Ay," tinapik-tapik niya ang braso ko. "Nakita niya na yata tayo, palapit sa'tin eh."
Totoo nga, naglalakad na palapit sa pwesto namin si Sir U. Nakasunod sa kanya si Kuya Seb na naka-black polo.
"Hi ate, buti 'di kayo na-traffic?" Sabi niya after nila nagbeso ni ate Marian.
"Maaga kaming umalis, excited na kasi si Brent mag-explore rito." Natatawang sabi ni ate Marian.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap. Ni hindi man lang ako magawang tingnan ni Sir U.
Huuuy, Sir! Tingin ka naman dito oh! Hindi mo ba ako matingnan kasi ang pretty ko? Ehe~
Tumingin na lang muna ako sa sahig. Ang gara naman, de-carpet ang floor. Ang hirap siguro nitong labhan 'no?
Nagulat ako nang may nag-angat ng baba ko. Si Sir U pala. Nagtama ang mga mata namin.
"You look pretty," seryoso niyang sabi. Hinawakan niya rin ang kanang kamay ko at hinalikan.
"See you later," tumalikod na siya at naglakad palayo. Nginitian lang ako ng makahulugan ni Kuya Seb.
Imbes na kiligin, nag-worry ako kay Sir U. Mainit 'yong palad niya. May lagnat ba 'yon?
Mga bandang 6:30 PM, nag-start na ang program. Umupo na rin kami ni ate Marian sa mga table na naka-align sa gilid ng room. Sinave ko ng upuan ang dalawang accla kasi naabutan sila ng traffic. Akala ko pa naman nandito na sila.
"Kanina ko pa kayo hinahanap!" Hingal na sabi ni Brent. Umupo siya sa tabi ni ate.
"Naka-ilang chicks ka na?" Tanong ni ate Marian.
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomansaWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...