Chapter 26: Unexpected

351 17 15
                                    

ANG bilis talaga ng araw. Kakaalis lang ni Sir U no'ng Tuesday heto't Friday na ngayon. Bumalik na rin si ate Marian dito sa unit, naiyak pa nga siya no'ng nakita ako ulit. Na-miss niya raw ako kahit ilang araw lang naman kami hindi nagkita. Sana all talaga nami-miss.

Speaking of missing someone, miss na miss (repeat 10x) ko na si Sir U. Buti nga naga-update siya sa'kin kahit papa'no so hindi na rin ako nag-aalala. Hindi nga lang siya marunong umanggulo sa mga sine-send niyang selfie pero keri lang, ang gwapo niya pa rin sa mga pictures.

Hindi na nga ako makatulog sa sobrang excitement na makita ang mga bagets sa orphanage bukas! Matagal-tagal na rin magmula no'ng may naalagaan akong bata.

"Jackie! Gising na diyan. Nandito na si Kuya Seb."

Napamulagat ako nang marinig si ate Marian na kumakatok. Bangon agad ako at binuksan ang pinto. Totoo nga, nakaupo na sa sofa si Kuya Seb at bihis na rin si ate.

"Saglit lang! Magtu-toothbrush at bihis lang ako. Pasensiya na po."

Five minutes lang siguro ang tinagal ng preparations ko. Sorry ako ng sorry hanggang sa makasakay na kami ng kotse.

"Akala ko nagpi-prepare ka na kaya 'di muna kita kinatok." Inabutan ako ni ate Marian ng sandwich at kape na nasa Aquaflask.

"Madaling-araw na yata ako nakatulog kanina. Kaya ayokong nai-excite sa mga lakad eh."

Sa Manila kami dinala ni Kuya Seb. Malaki ang orphanage na pinuntahan namin. Colorful ang gate at rinig mula sa labas ang boses ng mga batang naglalaro.

"Buti nandito na kayo," salubong sa'min ni Tita Leah. Nagbeso silang dalawa ni ate Marian samantalang niyakap niya ako.

"Seb, bahala ka na sa mga dadalhin sa loob ha? Salamat."

Napansin kong may dalawang malaking truck sa labas ng orphanage. Ano kayang laman no'n?

Nagsimula na kaming maglakad papasok. Sinalubong kami ng mga social worker. Mukhang kilalang-kilala na nila si Tita Leah.

"This has been a tradition ever since I was little. Kapag malapit na ang birthday namin ni Uriel, we will go to an orphanage para do'n mag-celebrate. We will also give them supplies for the kids."

Nakikinig lang kami ni ate Marian habang pinagmamasdan ang paligid. May magagandang murals ng fairy tale characters ang mga dingding.

"MAMA LEAH!" sigaw ng mga batang naglalaro sa malawak na garden sa gitna ng mga building ng orphanage. Niyakap nila agad si Tita Leah.

"Oh, kids. May ipapakilala si Tita Leah sa inyo. Siya si ate Marian tapos siya si ate Jackie."

Nag-hi ang mga bata sa'min. Binati rin namin sila pabalik.

"Anak mo po ba sila, mama Leah?" tanong ng batang babaeng naka-pigtails.

Siniko naman siya ng batang lalaki na mas malaki sa kanya. "Ano ka ba? Isa lang anak ni mama Leah! Si kuya Uriel."

Natawa si ate Marian. "Kilalang-kilala na po nila kayo, Tita Leah."

"Oo, nababanggit ko kasi sa kanila si Uriel pero never pa nilang nakita."

"Sayang nga, hindi makakapunta si Sir U." Very sad kong sabi.

"Who told you that I'll not come?"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

"Uriel!" Si Tita Leah at ate Marian.

"Sir U!" Gulat kong sigaw. "Anong ginagawa mo rito?"

"Why, you don't want me here ba?"

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon