Chapter 4: The Alter Ego

459 16 4
                                    

Boss: Birthday ko na mamaya. Attendance is a must. Ang hindi um-attend panget.

Ito ang message na bumungad sa team chat namin. Ang aga-aga, ang kulit ni Buddha Boss! Alam naman niyang hindi pwedeng hindi kami pumunta sa birthday niya. 'Yon ang isa sa mga event sa department namin na nilu-look forward ng lahat.

Every year, may iba't-ibang theme ang decorations ng birthday niya. N'ong unang taon ko, superhero. Second, mga paboritong anime ni boss - Naruto. Pangatlo, color blue, ang paboritong kulay niya. Hindi ko alam ang pang-apat kasi 'di ako nakasama no'n.

Para sa mga mai-effort kong officemate, nagbibihis sila based sa theme. Hindi naman sayang ang effort nila kasi kapag nanalo kang Best Attire, may tumataginting kang 5K.

Hindi na namin tinatangka ni Tine na sumali do'n. Kuntento na kami sa pagiging ordinaryong subordinate ni boss. Habol talaga namin ang foods, lalo na ang lumpiang shanghai. Abangers talaga kami kung kailan ilalabas ng mga caterer ang shanghai kasi mas mabilis pa sa kisapmata maubos 'yon.

Isa pa naming paborito ang unli food and drinks, mapa-alcoholic man o wala. Sa sobrang dami ng pagkain, kami na lang ang sumusuko. Minsan pwede pa kaming mag-take out lalo na kapag maraming tirang food.

Ramdam ang excitement no'ng pumasok ako sa office namin. Mula umaga hanggang lunch, topic nila ang birthday ni Buddha boss mamaya.

"May dala ka bang Tupperware, Tanya?" tanong ni Tine habang kumakain ng kanin at igado.

"Bakit kailangan no'n?"

Inakbayan ko si Tanya. "Nako, 'di pa pala natin nati-train 'to." Natawa si Tine. "Kailangan ng lagayan ng food just in case na magpa-take out si boss."

"Talaga ba? Kaya pala halos lahat may lagayan."

"Ano nga palang theme ngayon?" Tanong ni Tine.

"Disco," sagot ko. "Ano kayang suot ng mga kasamahan natin mamaya?"

"Nako, for sure pasabog 'yang mga 'yan. Balita ko 10K na premyo sa Best Attire eh."

"Weh?" Sabay pa kami ni Tanya. "Grabe na talaga si boss. Siya na nga may birthday, siya pa namimigay ng papremyo."

"Kasi nga," nag-lean si Tine para mag-chika. "Ang kwento, no'ng bata pa si boss 'di niya naranasan 'yong mga ganito. Marami kasi siyang kapatid and breadwinner siya. So alam niyo na, kulturang Asian na kailangang tumulong sa magulang at mapagtapos lahat ng kapatid."

"Oh..." Si Tanya. "'Eto pala 'yong naririnig ko dati na kinukwestiyon nila na bakit naging boss si Buddha boss eh hindi naman siya nakatapos ng college."

Nagulat ako sa chika nila. "Sa loob ng limang taon ko rito, ngayon ko lang nalaman 'yang sinabi mo."

Ngumiti sa'kin si Tanya. "Alam mo naman sa HR, lahat alam."

Oo nga pala, galing siya sa HR department bago malipat sa'min.

Tapos nang kumain si Tine. "Wala akong reklamo kay Buddha boss. Mabait siya kaya lang ang bagal niya magtrabaho."

"Chrue!" Nagkatinginan at tawanan kami ni Tanya nang magkasabay na naman kami magsalita.

---*

"Magpapalit ka pa ba ng damit?" Tanong ni Tine sa'kin ilang minuto bago mag-out.

"Hindi na, okay na 'to. Kakain lang naman tayo do'n," sagot ko.

"Hindi ka sure. Baka mabutas 'yang slacks mo once na malasing ka."

"Hindi ako magpapakalasing 'no," Inayos ko na mga gamit ko. 10 minutes na lang, 5 PM na. Alas-siyete ang party ni boss.

"Asus, gusto mo magpustahan pa tayo eh."

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon