Chapter 27: Missing You

339 11 8
                                    

Naihatid namin ng matiwasay si Sir U sa airport. Natatawa kami kay Brent. Parang sa isang taon pa uuwi si Sir U kung makayakap ng mahigpit. If I know, kinikilig deep inside 'tong isang tukmol.

Nasa kotse na kami pero ang daldal pa rin ni Brent. Grabe naman ang energy nitong taong 'to! Motolite yata baterya nito eh.

"Kakaalis pa lang ni Uriel, nami-miss ko na siya. Hay," nangalumbaba pa siya sa bintana ng kotse.

"Nahiya naman sa'yo 'yong fiancee," hirit ni ate Marian.

"Siyempre given na na mami-miss niya si Uriel," humarap sa'kin 'yong tukmol. "Kapag ako ba umalis, mami-miss mo rin ako?"

"Kailan ba 'yang alis mo at ang tagal naman?"

"Hmph!" Nag-cross arms siya at umarteng na-hurt na naman ang feelings.

"Arte mo! Bahala ka diyan, iidlip muna ako." Sumandal na ako sa upuan at dinedma ang kakulitan ni Brent.

----*

"Huy!" Kalabit sa'kin ni Tine. "Kanina ka pa nakatulala diyan sa monitor mo. May problema ba?"

Malungkot ko siyang tiningnan. "Nangungulila na 'ko kay Sir U. Miss na miss ko na siya." May pag-fake cry pa akong ganap.

Hinila niya ang buhok ko. "Arti, dalawang araw na nga lang uuwi na siya rito."

Sinutsutan kami ni Tanya. Lumapit siya sa'min habang nakaupo sa swivel chair. "Alam niyo na ba ang balita tungkol sa nanira ng costumes at backdrop natin no'ng nakaraan?" Pabulong niyang sabi.

Umiling kaming dalawa. "Sino'ng salarin?" Tanong ni Tine.

"Mautak 'yong may gawa," nag-cross arms si Tanya. "Binura niya 'yong copy ng recording no'ng araw ng contest natin."

"Binura o may inutusang magbura?" Bulong ko.

"Hayaan niyo na," si Tine. "Tayo pa rin naman ang champion. Sana nga lang tubuan ng pigsa sa pwet 'yong may gawa no'n." May pag-irap niyang sabi.

"Balik na tayo sa mga stations natin. Baka sitahin na naman tayo ng feeling boss diyan." Palayong bulong ni Tanya habang sakay pa rin ng swivel chair.

Huminga ako ng malalim at napailing. Bakit ba may mga taong gagawin ang lahat kahit na masama para lang sila ang maging angat?

*

Maaga akong nagising kinabukasan kasi may narinig akong plastic na binubuksan at mga boses na mahinang nag-uusap.

Lumabas ako habang kinakamot ang tiyan ko at nakitang may binubuksang maleta si ate Marian habang nakaupo. Mas nagulat ako kung sino ang nakaupo sa sofa.

"Sir U!" Lumapit ako para ma-confirm kung siya talaga. "Akala ko sa isang araw ka pa uuwi? Sana nasundo ka namin!"

"No need," tinapik-tapik niya ang pisngi ko. "Wake up first, you haven't opened your eyes oh."

"Gising na 'ko, Sir U. Singkit lang talaga mga mata ko."

Lumapit sa'kin si Sir U at tinanggal ang muta sa aking beautiful and expressive eyes.

"Hala ang sweet. Ako rin Uriel, tanggalan mo rin ng muta."

Kilala ko ang boses na 'yon, hindi ako pwedeng magkamali!

"Brent?" Pinandilatan ko siya. "Ang aga-aga nandito ka na agad?"

"Eh siyempre, ako nagsundo kay Uriel. Tsaka kinukuha ko na rin 'yong parte ko sa mga pasalubong."

Natahimik ako. Kaya pala hindi na nagpasundo si Sir U kasi si Brent na ang gumawa no'n. Nagiging mas close na silang dalawa. Wait nga, bakit nakakaramdam ako ng selos?

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon