Chapter 22: Preparations

420 16 14
                                    

NAGULAT ako sa lamig ng tubig. Hindi pa siya nakuntento, sinabunutan niya pa ako.

"A-aray!" Sigaw ko.

"Bitawan mo si Jackie!" Awat ni Tine sa babae. Mas lalo lang humihigpit ang sabunot niya sa'kin.

"Napakalandi mo! Alam mo ng may asawa 'yong tao, nilalandi mo pa rin!"

Ang sakit na ng anit at leeg ko sa sabunot niya. "Ano bang si-"

Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin kasi sinampal niya ako ng pagkalakas.

"Mang-aagaw ka! Malandi!" Sigaw niya na rinig sa buong canteen.

"Nicole!" Boses ni Mark. "Bitawan mo si Jackie!"

"Kinakampihan mo pa 'tong kabit mo, ha?" Winasiwas niya pa 'yong ulo ko.

Hindi mapatulan ng mga accla si Nicole kasi buntis. Baka kung ano pa ang mangyari.

Kinurot ko na lang ng sobrang pino 'yong kamay ni Nicole. Success naman kasi binitawan niya 'yong buhok ko.

"Alam mo," tumayo na ako at lumayo sa kanya. "Ang lakas din ng loob mong tawagin akong malandi at mang-aagaw. 'Di ba ikaw 'yon? Pumatol ka sa lalaking alam mong may karelasyon na. Kaya ka ba nagagalit kasi takot ka sa sarili mong multo?"

Lalapit pa sana si Nicole sa'kin pero pinigilan siya ni Mark. "Tumigil ka na! Nakakahiya 'yong ginagawa mo!"

"Ako pa ang nakakahiya, Mark? 'Di ba dapat kayo kasi nagyakapan kayo no'ng Friday pagkatapos ng Dance Revo! May nagsend sa'kin ng picture!" Kinuha niya ang phone niya at pinakita sa lahat ang picture na sinasabi niya.

Masakit na nga ang anit ko sa sabunot, sumasakit din ang ulo ko sa mga nangyayari.

"FYI, hindi kami nagyayakapan diyan. Hinila ako ni Mark para yakapin."

"Ginusto mo naman? Malandi ka eh!"

Huminga ako ng malalim. "Alam mo, kahit bigyan ako ng bilyon hinding-hindi na 'ko babalik kay Mark. Iyong-iyo na siya, Nicole. Pati 'yong mga gamit na naipundar namin na magkasama na kinuha niyo ng walang paalam sa'kin, iyo na rin.

"Isa pa, ikakasal na 'ko," pinakita ko pa 'yong engagement ring na bigay ni Sir U. "Kaya tigilan mo na ang kakaisip na kabit ako ni Mark. Matagal nang natapos ang relasyon namin."

Wala na akong energy para makipagtalo kay Nicole. Buti na lang dumating na 'yong security ng building kasunod si Kuya Seb at si...

"Sir U?" Bulong ko sa sarili. Na-shookt ako na nandito siya pero somehow napanatag ako na nandiyan na siya.

"Sige na ilabas niyo na siya rito. Ingat lang, buntis siya." Utos ni Kuya Seb sa mga guard.

Naglabas si Sir U ng panyo at sinimulang punasan ang mukha ko. "Let's come to my office." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami palabas ng canteen.

Pinigilan kong umiyak lalo na nang ma-realize ko na ang daming taong nakakita at nakarinig sa ginawa ni Nicole. For sure, ako na naman ang main character sa chismis ng mga 'to.

Nakarating na kami sa 10th floor. Inalalayan ako palabas sa elevator ni Sir U. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

Binuksan niya ang pinto ng office niya at pinauna akong pumasok. Umupo ako sa sofa habang pumunta naman siya sa mini ref at kumuha ng ice pack.

Nilagay niya 'yon sa tapat ng pisngi ko. "Ate Marian will be worried kapag nakita niya 'yan mamaya."

Si ate Marian lang ba magwo-worry sa'kin? Ikaw, Sir U?

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon