Chapter 18: Heartbreak

378 16 21
                                    

NAGISING ako na kaharap si Sir U sa kama. Wow naman oh, good morning talaga sa'kin. May gwapong nilalang na bumungad sa umaga ko.

Ngayon lang ako nagkaro'n ng chance na titigan nang mabuti ang mukha niya kaya samantalahin na natin. Ang haba pala ng pilikmata niya. Sana all. Bakit ba karamihan sa lalaking kilala ko, mahahaba ang eyelashes?

Ang tangos din ng ilong niya. For sure, hindi 'to 'Salamat Dok' nakita ko na matangos din ang ilong ng daddy at mama niya eh.

'Yong lips niya ang pinkish na parang nag-lip serum. May kanipisan din. Soft din kaya? Pinigilan ko ang urge na hawakan ang lips niya gamit ang daliri. Baka biglang magising. I-kiss ko kaya? Charot! I kiss with consent 'no?

Tinitigan ko pa siya ng mas matagal. Naisip ko ang swerte talaga ng taong mamahalin ni Sir U. Gwapo na, mabait, responsable, at thoughtful pa. 'Wag nga lang totopakin, tulad nitong mga nakaraang araw.

Bumangon na ako at kinumutan siya. Pagkalabas ng kwarto nagulat ako nang makita na nagluluto na si ate Marian ng almusal.

"Ate Marian!" Mahinang sigaw ko. "Bakit ikaw nagluluto? Ako na 'yan!"

Umiling siya. "Patapos na ako oh."

"Okay lang ba gumawa na lang ako ng bento para kay Sir U at Kuya Seb?"

"Pwede bang gawan mo rin ako ng bento kahit nandito lang ako sa bahay?"

"Sure!" Nag-focus na 'ko sa pagluluto. Ita-try ko naman gawin 'yong octopus sausage. Magpapakulo ako ng tubig for boiled eggs at gagawa rin ako ng onigiri. Naglagay din ako ng blueberries at kiwi na ginamitan ng fancy cutter.

Nang matapos ako, pinakita ko kay ate Marian ang mga bento. Pumalakpak siya nang makita ang aking work of art.

"Parang ayoko nang kainin. Gusto ko na lang titigan," may tinuro siya. "Kanino 'tong wala man lang ka-design design?"

"Kay Sir U," sabi ko habang nagse-set ng table.

"Naku, baka naman magtampo 'yan. Siya lang ang ordinaryo oh."

Napatigil ako. Isa kaya 'to sa dahilan kaya 'di ako pinapansin ni Sir U?

"Baka ma-corny-han kasi siya kapag nilagyan ko ng design eh. Ang seryosong tao pa naman ni Sir U tapos lalagyan ko ng fancy designs ang bento niya."

Tinulungan ako ni ate Marian mag-set ng table. "Subukan mo lang lagyan ng art ang bento niya. Kapag magreklamo siya, 'wag mo nang gawin."

Huminga ako ng malalim bago magdagdag ng mga anik-anik sa bento ni Sir U. Bahala na kung 'di niya magustuhan 'to.

Natakpan ko na ang mga bento boxes nang lumabas si Sir U sa kwarto niya. "Good morning, ladies." Ang sexy naman ng bagong gising voice ni Sir.

"Good morning Uriel! Tikman mo 'yong breakfast na niluto ko," sabi ni ate Marian.

Tumango si Sir U at hinila ang upuan ni ate Marian. "Thank you!" Sagot nito.

Hindi na ako umasa na hihilain niya rin ang upuan ko kaya ako na ang nagkusa. Umupo na rin ako agad.

Umupo si Sir U sa tapat ni ate Marian. Hindi na naman ako magawang tingnan.

Kimchi fried rice, sunny side up egg, nori, gimbap, at seaweed soup ang breakfast namin ngayon. Lakas maka-KDrama ng trip ngayon ni ate Marian.

Pinagsandok niya ako ng kimchi fried rice at sunny side up egg. "Kain ka, Jackie."

Sinulyapan ko si Sir U. Bakit parang malungkot siya na nilagyan ako ng food ni ate Marian? Gusto niya rin ba na siya rin?

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon