Pumasok kami sa loob ng mansion. Ang liwanag sa loob, parang welcome to Heaven ang vibes. Ang cozy ng set-up ng sala nila. Napapagitnaan ng staircase. As usual, may malaking chandelier sa taas. Bakit ba ang hilig ng mga mayayaman sa chandelier?
Nagtatawanan 'yong mga gorgeous gorgeous girls na nakaupo sa sofa pero tumigil sila nang lumapit kami ni ate Marian.
"Fiancee ni Uriel, si Jackie." Pagpapakilala niya sa'kin.
"Eh? Really? Hindi ba ako nagkamali ng rinig?" React ng babaeng nakasuot ng pink crop top and skirt. May pearl hairband din siya na bumagay sa suot niya.
"Totoo 'yon girl. Kahit ako I was shocked when I heard the news." Tumawa ng malakas 'yong babaeng nakasuot ng parang bra then gray high waist na skirt. Nakaupo siya sa lapag na napapaligiran ng beige throw pillows.
Umupo na si ate Marian sa tabi ng naka-salamin na babae. Mukhang nasa early 20s ang edad nito. "Ang dami niyong sinasabi, hindi niyo pa nai-introduce mga sarili niyo."
"I'm Czarina, childhood friend nilang magpipinsan." Sabi ng naka-pink na crop top.
Tinaas no'ng naka-bra 'yong kamay niya. "Kelsey, girlfriend ni Eric."
Nahihilo na 'ko sa mga pangalan na binabanggit nila. Ang hirap naman ng malaki ang pamilya.
"Annika," natatamad na sabi ng nakasalamin. "Bunsong kapatid ako ni Angelo, 'yong nagwala kanina."
"Grabe 'yang kuya mo, Nika. Ang lala ng anger issues," si Kelsey. "Simula nang magkakilala kami, ganyan na siya."
"Since birth, he's like that!" Si Czarina. "Kaya ayaw namin siyang kasama noon eh. He gets mad at little inconveniences. Unlike Uriel, he's always calm."
Nakikinig lang ako sa chikahan nila. Mentally taking down notes about kay Sir U.
"Anyways, let's go back to Jackie. Pa'no kayo na-develop?" Pinatong ni Kelsey ang ulo niya sa dalawang kamay.
"Love at first sight." Nako, mukhang mapapasabak na naman ako magkwento nito ah.
Napa-'ooooh' silang lahat. Kahit si ate Marian na mahinhin.
"Sino ang unang na-inlove?" Si Czarina na mukhang invested na rin sa kwento.
"Siyempre ako." Nagtilian si Kelsey at Czarina. Napangiti lang si Annika at ate Marian.
"Uy you know what," si Czarina. "Way back elementary and high school, ang daming nagkakagusto kay Uriel. As in!"
"I'm a witness to that," si Kelsey. "No'ng high school isa siya sa mga popular guys along with his other cousins."
"Kaya lang he's so masungit. Hindi niya pinapansin 'yong mga nagkakagusto sa kanya. Kapag Christmas or Valentine's tapos may mga gifts siyang natatanggap, pinamimigay lang niya." Pagtutuloy ni Czarina sa kwento.
Gano'n ka pala, Sir U ha? Maasar nga 'to sa mga susunod na araw.
"Pero he's a gentleman when it comes to women he knows. He's so sweet din. Ang hilig niya magbigay ng gifts," pagshi-share ni ate Marian. "Naalala ko no'ng kasal namin ni Joseph niregaluhan niya kami ng yatch."
"A what?" Gulat na tanong ni Kelsey.
"Yatch. Alam niyang mahilig kami sa dagat."
Kahit ako rin nagulat. Mahal ang yate ha! Lowkey shala talaga 'tong si Sir U.
"Dapat magpakasal na kami ni Eric. Gusto kong makita anong ireregalo sa'min ni Uriel."
"Mahilig kayo mag-hike 'di ba? Baka bundok ibigay sa inyo ni Kuya Uriel." Hirit ni Annika.
![](https://img.wattpad.com/cover/345042875-288-k544847.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomanceWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...