WALA na sa tabi ko si Sir U nang magising ako.
Kinwestiyon ko agad ang self ko kung totoo bang magkayakap kami habang borlogs. Panaginip lang kaya 'yon o nangyari talaga?
Nagpagulong-gulong ako sa kama sa kilig. Reality man 'yon or fantasy sana may part two pa. Na-miss ko rin ang feeling ng may kayakap kapag tulog.
Harot-harot mo naman Jackie girl, bumangon ka na nga. Nahilo agad ako pagtayo. 'Eto talaga ang downside ng pag-inom eh. Masarap uminom ng alak pero magsa-suffer ka talaga after.
Dahan-dahan lang ang lakad ko papunta sa pinto. Narinig kong may nagkukwentuhan sa labas. Parang boses ng kumag at ni Sir U.
Binuksan ko 'yong pinto tapos tinigil nila ang pag-uusap. "Ako ba ang topic niyo kaya kayo tumigil?" pagmamaldita ko kunwari.
"Oo, pa'no mo nalaman?" sagot naman ng tukmol.
Tumayo si Sir U tapos may nilagay sa microwave. "Brent bought lugaw and mami. I'll heat it up, just wait."
Parang mas lalo yata akong nahilo sa pagi-English ni Sir U. Complete package na sana, English nga lang ng English. Feeling ko talaga mamumuo na 'yong dugo sa utak ko.
Palapit pa lang ako sa mesa, hinila na agad ni Sir U 'yong upuan sa tabi niya. "Sit here." Inalalayan niya rin akong umupo.
"Ang sweet naman, kainis." Comment ni Brent.
Nilagay ko 'yong ulo ko sa balikat ni Sir U habang nang-aasar na nakatingin kay Brent. Inirapan niya lang ako.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. "Tapos na kayong kumain?"
"Yup, pero magra-round 2 kami kasi kawawa ka naman kung wala kang kasabay na kumain," sagot ng kumag.
"Thank you sa pagiging thoughtful ha? Grabe, na-touch ako." Sarcastic kong sabi.
Huminga muna ng malalim si Sir U bago tumayo para kunin 'yong pinainit niya. Sa isip-isip siguro niya 'heto na naman ang mga aso't pusa na nag-aaway.'
"May naalala ka ba sa mga nangyari kagabi?" tanong ni Brent.
'Mga'? So ibig sabihin marami akong ginawang kalokohan?
"Wala," sagot ko habang nilalagay ni Sir U sa harap ko 'yong mangkok ng lugaw. Mamaya ko na 'to kakainin. Kailangan kong malaman kung anong ginawa ko kagabi.
"Nako, ang tigas pala ng ulo mo kapag nakainom? Naplakda ka tuloy sa parking lot. Una mukha!" Ang lakas ng ginawang pagtawa ng tukmol. Pwede bang sakmalin 'to one time lang?
"Kung nadapa ako, bakit wala akong sugat sa mukha?" Kinapa-kapa ko ang pretty face ko, naghahanap ng fresh sugat.
"He's bluffing," singit naman ni Sir U.
"Anong bluffing? Baka blushing?" tanong ko. Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ni Sir U?
"Niloloko lang kita," sagot ni Brent sa tanong ko. "Uriel, 'wag mo ngang gamitan ng malalalim na English terms si Jackie. Baka mag-nosebleed 'yan!"
Inakmaan ko ng suntok 'yong kumag. Well, totoo naman. Hirap na nga ako sa pa-English ni Sir U gagamitan niya pa ako ng mga dictionary words.
"Ano ba talagang nangyari kagabi?" seryosong tanong ko. "Tatampalin talaga kita Brent kapag niloko mo pa 'ko."
"'De, seryoso muntik ka na ngang maplakda. Buti na lang nahawakan kita agad. Mag-thank you ka sa'kin!" Pagdi-demand niya.
"Oh, eh 'di thank you."
"Ano ba 'yan, labas sa ilong! Hindi ko maramdaman ang sincerity," reklamo niya. Daming arte.
Inabot ko 'yong kamay niya tapos hinawakan. "Brent Mendoza, thank you ha? Kung 'di dahil sa ginawa mo, baka na-damage na ang pretty face ko."

BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomansaWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...