Chapter 42: Overprotective

271 2 1
                                    

"HE failed to protect you! Have you heard the rumors going around about you? Sinong matinong lalaki ang hahayaan na mangyari 'yon sa fiancee niya?" Totoo nga ang sabi ni kuya Seb. Mega galit talaga si Tito Bobby. Lumalabas na 'yong mga ugat niya sa noo.

Tahimik lang si Sir U. Nakatingin lang siya sa sahig.

"Tito Bobby, kalma ka lang." Baka pumutok mga ugat mo sa noo, sige ka. "Kahit ako, ngayon ko lang nalaman 'yong mga chismis about sa'kin! Tsaka ano naman ngayon? Hindi naman totoo ang sinasabi nila about sa'kin."

Nakita kong kumalma ng very light si tito. "My point is, Uriel didn't do anything about this. Does he even care about you? Baka puro trabaho lang ang inaatupag niya at napapabayaan ka na niya!"

Nahu-hurt ako para kay Sir U. Grabi naman ang mga accusations nitong OA kong tito. Gets ko naman na concerned siya sa'kin pero 'wag naman sanang ganito.

"Tito Bobby," mahinang tawag ni Sir U sa kanya. "I already sent someone to investigate this situation. It will take time but I'm sure we'll soon know who spread this malicious rumors about my fiancee."

'My fiancee.' Ehe! Nakakakilig naman pakinggan! At nagawa ko pa talagang kiligin sa ganitong sitwasyon ha?

"Okay but while the investigation is on going, Jackie will live with us for the meantime."

Hanggang 10th floor yata ang naging taas ng kilay ko sa narinig ko. Titira ako kila Tito Bobby tapos makakasama ko araw-araw 'yong bruhildang si Bea? Over my dead sexy and pretty body!

Gulat na napatingin si Sir U kay Tito Bobby. Tiningnan niya rin ako after.

Huminga ako ng malalim. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Sir U.

"I think it's unnecessary, Tito." Poker face game on ulit ang aking lalabs. "Maybe we should ask Jackie about her decision. If she agrees, I'll personally accompany her to your house."

Sir U, bakit mo naman ako pinapamigay? Chareng! Na-pressure naman ako lalo na't nakatingin silang dalawa sa'kin at hinihintay ang sagot ko.

"Tito Bobby I really appreciate your concern," panes talaga kayo kay indzai straight English! "Pero sa condo pa rin po ako ni Sir U uuwi."

Pumikit siya at huminga ng malalim. "Okay, if that's your decision then I'll respect it. But," sinamaan niya ng tingin si Sir U. "The moment na maulit pa 'to, sisiguraduhin ko na 'di matutuloy ang kasal niyo. I don't want to marry you off to someone who can't protect you."

'Yon lang at nag-walk out na ang lolo niyo. Ganito pala ang feeling kapag overprotective ang mga kamag-anak mo. Naiintindihan ko naman na concern lang siya sa'kin pero 'yong hindi raw matutuloy ang kasal? Hindi ako papayag! Wala naman kasi talagang kasalang magaganap. Hahahaha.

"Okay ka lang, Sir U?" tanong ko sa kanya. Nakaupo pa rin siya sa sofa at nakatingin sa kawalan.

Bumuga siya ng hangin. "Akala ko si Dad lang ang nakakatakot magalit, pati rin pala si Tito Bobby."

Umupo ako sa tabi niya. "Pagpasensiyahan mo na lang. Alam mo na, kapag tumatanda nagiging iritable na."

Tumango siya. "Are you still going to your office? I'll excuse myself, I have a lot of things to do."

Tumayo ako. Ewan ko pero pakiramdam ko pinapalayas na ako ni Sir U. Ayaw mo ba akong makasama during this tough time? Gusto kong tuktukan ang sarili ko. Sino ako para maging clingy kay Sir U? Madalas talaga, nakakalimot ako sa role ko sa buhay niya.

"Yiz, ako ay papasok kahit half day. Ayoko nang makaltasan 'no? Ang dami ko nang absent, mauubos na rin ang leave ko. Kaya werking girl muna ako ngayon," paalis na ako nang hawakan niya ang kamay ko. "May nakalimutan ka pa bang sabihin, Sir U?" tanong ko.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon