'MATIC na umupo ako kahit na nakapikit pa ang beautiful eyes ko pagkarinig ng alarm tone. Tatamarin sana ako pumasok pero natandaan ko, ngayong araw pala ipapakilala si biggest little boss.
Ever since nagtrabaho ako sa corporation, naging part na ng culture na kapag may bagong boss kailangan niyang ikutin ang buong office building at makipagplastikan, este, kilalanin ang mga employees. Lahat kaming empleyado pipila sa hallway para tingnan (a.k.a. i-judge) 'yong mga mauupong boss.
Kumain muna ako ng tinapay at nagkape bago magbihis. Hindi ako sa umaga naliligo kasi pagpapawisan din naman ako sa pagko-commute. Sa office na lang din ako magmi-make up para hindi mahulas.
Nanghiram ulit ako kay landlady ng isusuot. Dehins pa 'ko makabili ng bagong damit, wa pa sahod. Plain white three-fourths na polo at black skirt ang OOTD natin. Very office girl ang awrahan natin today. Kay Lengleng naman ako nanghiram ng sapatos na may heels, buti parehas lang size ng paa namin.
Nag-tsinelas muna ako paalis. Ang hassle nang nakasuot ng magandang sapatos tapos sasakay ka ng jeep.
Ang laki ng ngiti ko pagpasok ng office building. Hindi rin sila magkandaugaga kakaayos ng mga decorations sa baba. Aba, kailangan na perfect ang lahat. Unico hijo ba naman ni biggest boss ang darating.
Nag-tap na 'ko ng ID at sumakay ng elevator paakyat ng third floor. Natatawa ako sa sarili ko kasi nai-excite akong makita ang bago naming boss. Kadalasan kasi ng mga higher ups dito sa company nasa 40's o sobrang tanda na.
Paglabas ko ng elevator nakita ko si Tanya. Mukhang ako ang hinihintay.
"Jackie..."
"Tanya..." Paggaya ko sa kanya. "Bakit ang lungkot mo? Akala ko ba excited ka ngayon kasi darating na si biggest little boss?"
"I'm sorry sa nangyari kahapon."
Naglakad na ako papasok sa office ng customer service. Hinarap ko siya, "Bakit nagso-sorry ka eh, wala ka namang kasalanan?"
"Wala ba?" Nag-lighten up ang mukha niya. "Nag-walk out ka kasi kahapon. Akala ko kasalanan ko kung bakit."
"Hay naku," hinagod ko ang likod niya. "Hindi ako galit, okay? Kaya ako umalis kahapon para matigil na si Andie."
Naglakad ako papunta sa work area ko. Sinundan naman ako ni baccla. "Nagkasagutan sila ni Tine kahapon pag-alis mo."
"Ow? Nagsabunutan ba?"
"Hindi naman. Muntik na, buti na lang naawat ko."
Speaking of Tine, parang 'di ko napansin 'yon no'ng pumasok ako. "Hindi pumasok si Tine?"
"Half-day daw siya, may aasikasuhin."
Bumalik na si Tanya sa work area niya at umupo na ako. Pag-open ko ng work email, 30+ na messages ang bumungad sa'kin.Sa loob ng limang taon ko sa company, paulit-ulit ang naging routine ko. Papasok, minsan magmi-make up, sasagot ng work emails, kakain ng lunch, minsan a-attend ng meetings, madalas nakikipag-chismisan, sasagot ulit ng work emails, tapos uuwi na. Kaya ko na ngang gawin 'yong trabaho ko kahit nakapikit. Para siguro sa iba ang boring ng work life na ganito. Ewan ko ba, nagi-enjoy naman ako. Wala akong reklamo sa pasahod, benefits, and bonus ng company. Maganda rin ang trato nila sa mga employees.
Magiging mahirap na lang talaga ang makisama sa katrabaho. You can't have it all nga sabi nila. Maayos ang company pero 'yong mga officemates mo ang problema. Swerte ko na nga lang na may naging close akong kaibigan.
Nag-make up muna ako at baka anytime dumating na si biggest little boss. No make-up, make-up look ang gusto nating i-achieve today. Sweet girl lang ang peg.
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomansWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...