Chapter 19: Awkwardness

430 16 13
                                    

"ANO bang theme ng anniv ball?" Tanong ko kila Tine habang kumakain kami sa canteen.

"Black and white," sagot niya. "Ikaw talaga 'di ka nagbabasa sa GC."

"Uy, nagbabasa naman ako!" Pagdedepensa ko sa sarili. "Natabunan lang siguro kaya 'di ko nakita."

Inirapan lang ako ni Tine sabay tawa.

"May mga isusuot na ba kayo?" Tanong ni Tanya. "Dapat maganda, malay niyo makakilala tayo do'n ng mayaman na mapapangasawa."

Kinonyatan siya ni Tine. "'Eto talaga puro lovelife nasa utak. Oo nga pala kumusta dance revo practice niyo, Jackie? Saan pala kayo nagpa-practice?"

"Sa dance studio ng kakilala ni Buddha boss." Sabi ko habang naghihimay ng tilapia. "Napi-pressure nga kaming lahat eh. Alam mo naman, limang taon nang champion ang department natin. Dapat this year, nasa atin pa rin ang huling halakhak."

"Sus! Yakang-yaka niyo 'yan, lalo pa nandiyan ka. Pakitaan mo ulit sila ng Wushu moves tsaka ng pamatay mong twerk." Panga-assure ni Tanya sa'kin.

"Nako, for sure babawian kayo ng HR department. Natalo sila last time eh." Sabi ni Tine na busy-ng nagtatanggal ng tinik sa tilapia. Gaya-gaya puto maya ng ulam.

"Mukha nga. 'Yon nga rin sabi nila Peter eh. 'Wag lang talaga nilang gamitin ang dirty tactics nila noon." Sumuntok-suntok pa 'ko sa palad ko.

"Hala, kailan 'yon? Bakit 'di ko alam? Spluk niyo naman!" Si Tanya na wala na namang kamuwang-muwang.

Si Tine ang nagkwento. "Four years ago, solo singing ang contest. May binayaran silang tao para sirain ang piyesa at mic ng pambato namin."

"Alam mo 'yong lahat okay naman turn na ng department namin, biglang nagkagano'n?" Sabi ko. G na G pa rin ako kahit ilang taon na ang nakalipas.

"Grabe! Pa'no niyo nalaman na may gano'ng nangyari?" Si Tanya na invested na sa chika namin.

"Nalaman namin after a year!" Natatawang sabi ni Tine. "'Yong dati kasi naming katrabaho, naging jowa niya 'yong binayaran nila para i-sabotahe kami. No'ng nalaman niya 'yon, nakipag-break siya agad eh. Farmer kasi 'yon ng sama ng loob."

"Buti na lang talaga," sabi ko bago sumubo ng ice cream. "Nanalo pa rin kami. Ang ganda kasi ng boses ng pambato namin. Nag-acapella na lang siya no'ng 'nasira' 'yong piyesa niya."

"Kailan nga ulit kayo sasayaw?" Tanong ni Tine.

"This Friday na. Sa malaking auditorium natin." Sagot ko.

"Panonoorin ka ba ni Sir Uriel sumayaw?" Si Tanya.

Napatigil ako. Oo nga, magi-effort kaya siya na manood?

"Baka. Sobrang busy kasi no'n ngayon. Ni hindi na nga natutulog 'yon sa sobrang daming reports na binabasa at ginagawa."

"Dapat panoorin ka niya. As a boyfriend and fiance, maglaan siya ng time na panoorin ang performance mo." Si Tine na nagliligpit na ng pinagkainan namin.

Huminga ako ng malalim. For sure given sa situation namin ngayon, hindi niya paga-aksayahan ng oras na panoorin ako.

*
"Nakakapagoood!" Sigaw ni Mae after ng practice namin. Opo, kasama siya sa team namin. Sa ayaw man namin o sa ayaw. Magaling din kasi siya sumayaw so wala kaming no choice na isali siya.

"Ang dali-dali nga lang ng steps. Anong nakakapagod?" Sagot sa kanya ni Joana, katrabaho namin na banas na rin kay Mae. Pa'no ba naman siya ang pinaka-late everytime na may practice siya pa 'tong maraming reklamo.

"Oh, eh 'di ikaw na magaling. 'Di ka pala napapagod eh." Inirapan niya pa si Joana.

"Tama na 'yan," saway ni Peter. "Walang mararating 'yang pagtatalo niyo. Ang focus natin dito, maging synchronized ang bawat galaw para maganda sa mata ng judges."

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon