"SALAMAT po Sir Sebastian. Pakisabi na lang din po kay Sir Uriel salamat din," sabi ko pagkababa ng kotse.
Ngumiti lang siya sa'kin at kumaway. Hinintay kong umalis si Sir Sebastian bago ako maglakad papuntang apartment.
Pagkapasok ng bahay, umupo muna ako sa sahig. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa dinami-rami ng pwedeng offer-an ng gano'n, ako pa ang napili. Hindi ko alam kung matatawag ko ba ang sarili kong maswerte o hindi.
In-open ko ang Messenger ko para sabihin sa mga accla na nakauwi ako ng buo. Nawindang ako sa message ni Tanya.
Tanya: Yiiee, kaya pala hinatid ka ni Sir Uriel no'ng lasing ka kasi nagdi-date na kayo ha!
Si Sir Uriel pala 'yong naghatid sa'kin no'ng isang gabi?
Tine: Taray naman ng friendship natin. Kaya pala nananahimik, masaya na sa lovelife.
Nakita yata ni Sir 'yong kalagayan ko ngayon. Kaya ba nag-offer siya ng condo unit?
Tanya: Hoy, accla sagutin mo kami! Puro seen lang ang ganap.
Binaba ko ang phone at inisip ang offer kanina ni Sir. Kung tatanggapin ko 'yon, makakaalis na 'ko rito sa apartment. Sabi ko nga kanina, magkakaro'n ako ng instant ideal pero fake na fiance.
Kung tatanggapin ko rin naman 'yong alok niya, panigurado maraming masasabi ang mga tao sa paligid namin. Baka isipin nila na gold-digger ako. 'Yong parents ni Sir! Baka api-apihin lang nila ako tulad ng napapanood ko sa teleserye at KDrama. Baka bigla nila akong alukin ng 3 million pesos para lang layuan si Sir.
Ang pinagtataka ko lang talaga, bakit ako ang napili niya as a fake fiancee at bakit kailangan niya ng gano'n?
Ginulo ko ang buhok ko. Ahhh! Nate-tempt talaga akong tanggapin ang offer niya! Gusto kong maranasan tumira sa magandang condo. Pwede bang close ko na lang ang eyes ko at hindi ko na isipin ang cons kapag tinanggap ko 'to?
*
Nilapag ko lang ang bag ko at lumabas na agad para tawagan si Sir Uriel. Pumunta ako ng CR. After ng limang ring, sinagot niya na.
"Hello?" Kahit 'yong boses, ang gwapo pa rin! May pangit ba sa taong 'to?
"Sir!" Pasigaw kong sagot. No'ng na-realize ko 'yong ginawa ko, hininaan ko rin ang boses ko. "Sir, pwede po ba nating pag-usapan ang offer niyo?"
"Of course, akyat ka rito. The contract is ready."
Para sa condo na worth four million, here I go!
Pag-open pa lang ng elevator nakita kong naghihintay na sa'kin si Sir Sebastian.
"Good morning, Ms. Jackie." Nauna na siyang maglakad sa'kin. Nasa harap na kami ng opisina ni Sir Uriel nang tumigil siya. "Pasok na po kayo."
Pagpasok ko ng office niya, napatigil ako nang makita kung ga'no siya kagwapo today. Suot niya pa rin ang reading glasses niya habang nagta-type sa laptop. Itim na long sleeves naman ang suot niya ngayon.
"Nasa ibabaw ng coffee table ang contract, you read it first then we can negotiate kapag may gusto kang baguhin," sabi niya na hindi man lang ako tiningnan.
Umupo na ako at binasa ang kontrata. One and a half year magtatagal ang pagkukunwari namin. Tsk, bakit may hangganan pa pwede namang panghabambuhay? Harot!
Pagkatapos no'n, sa'kin na ang condo na sinasabi niya. So sa loob ng one and a half year, magkasama kami sa iisang bubong? Hele, beket nemen genen?
Para pala kaming magiging housemates sa loob ng panahon na 'yon. Nilipat ko ang page ng kontrata. Naka-attach ang pictures ng condo na titirhan namin. Ahahaha, kinikilig ako sa thought na magkakasama kami sa iisang bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/345042875-288-k544847.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomanceWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...