Chapter 20: Yuck

364 16 24
                                    

EMOTIONAL ang lahat pagkatapos makita ang nangyari. Para kaming nawalan ng pag-asa.

Napaupo si Mae sa sahig. "Wala na, talo na tayo niyan."

"'Wag ka ngang nega, may paraan pa siguro. Mahaba pa naman ang oras eh." Sabi ni Joana na mukhang naka-recover na sa pag-iyak. Hinawakan niya ang isa sa mga jacket na punit-punit. Kahit ako, alam kong wala ng pag-asa 'yong mga damit. Walang awa 'yong gumupit-gupit dito.

Kahit naluluha, sinubukan kong mag-isip ng ibang paraan. Kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa at tinawagan si Kuya Seb.

Kinakabahan ako habang hinihintay na sagutin niya ang phone. Siya na lang ang nakikita kong pag-asa.

Hindi siya sumagot sa unang tawag so umulit ako. Ring lang ang naririnig sa kabilang linya. Kapag ito 'di pa rin niya sinagot, tatawag pa 'ko ng isang beses tapos susuko na 'ko.

"Hello?"

Napatalon ako nang sagutin niya ang phone. Napatingin tuloy silang lahat sa'kin.

"Kuya Seb! Alam kong ikaw lang makakatulong sa'min. 'Yong backdrop kasi tsaka mga costumes namin, may sumira. Matutulungan mo ba kami ngayon?"

Narinig ko ang malakas na 'Tsk' ni Kuya Seb. Galit ba siya kasi naistorbo ko siya?

"Tama nga ang anticipation ni Sir Uriel," huminga siya ng malalim. "Don't worry Ms. Jackie, parating na 'yong second set ng costumes niyo and sa backdrop, nandito na sa audi."

Tumingin ako sa taas para hindi tumulo 'yong luha ko. Pero traitor ang tears ko, nag-flow like a river pa rin.

"Thank you, Kuya Seb! Pakisabi na rin kay Sir U, salamat." Pinilit kong maging stable ang boses ko kahit nanginginig 'to.

"No worries, Ms. Jackie. Basta ikaw. Galingan niyo ha? Manonood kami." Binaba niya na rin agad ang call.

"Guys," tawag ko sa kanilang lahat na nakaantabay sa call ko. "Sinave tayo ni Sir U, parating na raw 'yong second set ng costumes. Tsaka 'yong bagong back drop, nasa audi na raw."

Nagsigawan silang lahat. Nag-group hug sina Peter, Michael, at Daryll . Si Mae nasa sahig lang at natulala.

Ilang minuto lang dumating sina Tine, Tanya at iba pa naming katrabaho na dala ang mga costumes. Nagulat din sila nang makita ang nangyari sa unang set ng costumes at backdrop.

"Grabe, totoo pala ang sinabi ni Sir Sebastian. Akala namin prank lang!" Si Tine na isa-isang inabot sa'min ang costumes.

"May CCTV naman sa floor natin 'di ba? Pwede nating tingnan kung sino ang gumawa nito." Suggestion ni Tanya na binibigay na rin sa'min ang hawak na costumes.

"Mamaya, iche-check namin." Sagot ni Kate.

"6 PM na. Mag-ayos na kayong lahat, kami nang bahala rito." Sabi ni ate Wilma. Nagmadali kaming lahat na pumunta sa rest room ng floor namin.
Madaliang bihis at make-up ang ginawa namin. Tinulungan na rin kami nila Tine na mag-ayos.

No'ng okay na ang lahat, umakyat na kami sa 12th floor ng office building. Maingay na ang audi at marami na ring tao sa hallway. Si Peter ang bumunot kung pang-ilan kami.

Pinakita niya ang number sa'min. "#5 guys, tayo ang last na magpi-perform."

Nakahinga kami ng maluwag. Makakapag-retouch pa kami habang hinihintay matapos ang ibang contestants.

Nagulat ako nang may yumakap sa likod ko. "Jackie!" Si ate Marian pala. "Ang gaganda at gwapo niyo today. After nito, nagpa-reserve na ako sa samgyupsal place. Dinner tayo do'n ha? Galingan niyo!" Nag-fighting sign pa siya.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon