Chapter 9: First Meeting

358 15 10
                                    

PINIGILAN kong ma-amaze sa mga pinamili ni Sir U para sa'kin. Hindi pala basta-basta mga brand ng mga 'to!

Lalo na sa mga make-up. MAC ang tatak ng lipsticks na binili niya sa'kin. Lahat pa yata ng shades, nandito. Nyx, Bobbi Brown, Clinique, at Nars naman ang iba. Pangarap ko lang magkaro'n nito dati!

6:45 PM na. Marami pa 'kong time mag-make up. Kailangan mauwi natin ang FAMAS Best Actress award for acting like a true fiancee ngayong gabi. Ayokong masayang ang mga mamahaling gamit na binili niya.

Pagkatapos kong mag-ayos, prinipare ko naman ang leche flan na dadalhin ko sa bahay nila. Bukod sa sinangag, isa rin 'to sa mga specialty ko. Sana magustuhan ng mama ni Sir U.

Speaking of the pogi, nag-vibrate na phone ko. Baka nag-text na nasa baba na siya.

It's a prank! Smart lang 'yong nag-text. Hahahaha! Tiningnan ko kung anong oras na, 7:09 pa lang pala.

Tiningnan ko ang sarili ko gamit ang cam ng phone. Simple lang ang make-up at ayos ng buhok ko. Mabuti na lang maikli lang ang aking hair. Konting suklay lang, pak ganern na ang aurahan.

Binaba ko na ang phone at nag-isip. Ano kayang masasabi ng mga magulang ni Sir U sa'kin? Okay lang ba sa kanila na ordinaryong mamamayang Pilipino ang "mapapangasawa" ng anak nila? Hindi kaya sila tumitingin sa panlabas na hitsura? Kapag tinabi kasi ako kay Sir U, nagmumukha akong pet niya. Magandang pet.

Nagulat ako nang mag-vibrate ulit ang phone ko.

I'm downstairs. Please go down na.

Nag-panic naman ako ng very light. Hinanap ko agad 'yong white shoulder bag na gagamitin ko. Siyempre 'di ko makakalimutan ang pa-leche flan ko.

Dahan-dahan akong naglakad sa hallway at baka sumemplang ang ate niyo girl. Ang lakas ng kabog ng puso ko! Excited makita si Sir U? Hihi.

Pagkalabas ng elevator, hinanap ko na agad siya. May kanta na namang tumugtog sa isip ko.

🎶You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You feel like Heaven to touch
I wanna hold you so much🎶

Nakita ko na siya! Nakasuot siya ng button down shirt na as usual, itim. Naka-slacks din siya na of course, itim at naka-leather shoes na oo, tama ang nasa isip niyo, itim. Naka-all black si pogi. Feeling ko soulmates kami kasi itim na dress din suot ko. Hihi.

Hindi niya napansin na naglalakad na ako palapit sa kanya kasi may kinakalikot sa phone.

🎶At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive🎶

Totoo pala 'yong sinasabi nila sa romantic movies at novels na magso-slow mo ang paligid kapag nakita mo 'yong taong gusto mo. Grabe, ang gwapo-gwapo niya ngayon.

🎶You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you🎶

Napangiti ako nang nasa harap niya na 'ko pero dehins niya pa rin knows. Ang bango niya rin! Gwapo na, mabango pa.

"Sir U," nabigla siya sa pagtawag ko.

"Uy," binuksan niya ang pinto sa passenger seat. "Ano 'yang dala mo sa paper bag?"

"Ah, leche flan. Niluto ko no'ng Wednesday."

"May iniwan ka ba para sa'tin?"

"Oo naman! Pati si Tine, Tanya, at Kuya Seb bibigyan ko," pagkasabi no'n sumakay na ko sa kotse. Umikot naman siya para pumasok sa driver's seat.

Wala na naman kaming imik habang nagda-drive siya. Nakatingin lang ako sa labas habang siya naka-focus sa pagda-drive.

"Malayo pa ba?" Tanong ko.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon