NAGLALAKAD na kami pabalik ng condo building nang hawakan ni Sir U ang braso ko. Humarap ako sa kanya.
"Galit ka ba sa'kin?"
Sanay akong laging seryoso ang mukha, nakakunot ang noo, o 'di kaya magkasalubong ang kilay ni Sir U. This time, sobrang worried niya at parang maiiyak na siya anytime.
"Hindi 'no! Ano ba'ng sinasabi mo diyan, Sir U?" Tinalikuran ko siya at naglakad ulit. Ewan ko ba, parang naiinis ako kay Sir U. Naglilihi yata ako. Chareng!
"If that's the case, bakit 'di ka nakipag-holding hands? Inapir-an mo lang kamay ko," sabi niya habang hinahabol ako. Hele, ganito pala ang feeling ng magpahabol?
Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad. Mas lalo ko pang nilakihan ang mga hakbang ko at binilisan ang lakad ko.
"Jackie, please wait!" Rinig ko 'yong patakbong yabag niya. Hinarangan niya 'yong dadaanan ko.
"Sir U, seryoso ako. Naantok na 'ko kaya umalis ka diyan!" Tinulak ko siya patagilid at naghintay magbukas ang elevator.
May narinig akong hikbi kaya nilingon ko si Sir U. Busy siyang punasan ang mga luha niya.
"Do you...hate me that much?" Sisinghot-singhot niyang tanong.
Parang may kumurot ng pino sa puso ko. Umiiyak lang naman si Sir U pero bakit pati ako nasasaktan?
Napabangon ako agad. Takte, panaginip lang pala lahat! Nakahinga ako ng maluwag pero my heart is still aching. Bakit ang sama naman ng ugali ko sa panaginip na 'yon? Pero 'di ba ang sabi nila kabaligtaran daw ang panaginip? So ibig sabihin mabait ako?
Pinakiramdaman ko ang paligid. Tulog pa yata si Sir U. Tiningnan ko 'yong oras sa phone ko. 6:17 AM na pero parang gusto kong kumain ng street foods lalo na ng kwek-kwek. Pero sa'n ka naman makakakita ng nagbebenta ng gano'n sa ganitong oras?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para lumabas at magluto ng agahan. May nakita akong squid at fish ball sa ref no'ng isang araw tsaka ng kikiam. 'Yon na lang muna lulutuin ko.
Nanlaki ang cute at singkit kong mata nang may nakitang paa sa sahig. Sino 'to? Magnanakaw? Sinong matinong magnanakaw ang hihiga sa sahig?
Nakatingkayad akong tumakbo papunta ng kusina para kumuha ng kawali. Solid pa naman ang pagkakagawa nito so isang hampasan lang, tulog agad ang kung sino mang Hudas ang nandito.
Kinakabahan man, dahan-dahan akong lumapit sa paa. Full alert ang lola niyo kasi baka bigla akong sugurin.
May nakahiga nga! Tinitigan ko nang mabuti kung sino, parang kamukha ng kolokoy na si Brent.
Hawak ko pa rin ang kawali habang papalapit kay Brent. Nakayakap siya sa sarili niya. Ang lamig kasi ng sahig.
Lumuhod ako para sipatin ng mabuti kung si Brent nga ang nakahiga. Siya nga! Ang tukmol na 'to, dito pa nakitulog sa unit.
"Brent, huy!" Gising ko sa kanya. May naamoy akong slight smell ng beer. Aba, lasing pa nga!
Inabot ko ang blanket na nasa sofa at kinumutan ang mokong. Wawa naman, sa sobrang kalasingan ibang unit ang napasukan. Si Sir U kasi! Bakit ba binigay niya sa kurimaw na 'to 'yong password ng unit namin?
Pinunasan ko rin 'yong luha niya. Anong problema nito at may paglasing pa siyang drama at may pag-iyak pa? Imposibleng heartbroken 'to. Sa dami ng chikabebe nito, hindi siya mababakante. Sa family niya kaya? Baka. Siguro.
Muntik na 'kong mapasigaw nang makita si Sir U na nakatayo sa likod ng sofa. Tinapik ko ang dibdib ko at huminga ng malalim.
"I'm sorry nagulat kita but sino 'yan?" tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/345042875-288-k544847.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
Roman d'amourWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...