Chapter 32: Missing Piece

308 12 7
                                    

"SIR U, kinakabahan ako." Sabi ko habang nasa loob kami ng elevator.

"You'll be fine, you have me." Tumingin siya sa'kin sabay kindat.

Taena. Kung kanina grabe ang kaba ko, ngayon naman karaka-rakang napalitan ng kilig. Rupok yarn?

Pagkalabas namin ng elevator, nakita ko agad si kuya Seb na naghihintay sa labas ng isa sa mga office sa 10th floor.

"Hello Ms. Jackie, nasa loob na po si Sir Gabriel."

Napatingin ako kay Sir U. Tumango lang siya then ngumiti.

Binukas ni kuya Seb ang pinto ng office ni Tito Gab. Magkahawak kamay pa rin kaming pumasok ni Sir U.

Ang homey ng vibe ng office. Kung kay Sir U karamihan ng gamit kulay itim, dito kahoy naman. Ang bango rin sa loob, amoy fresh bamboo.

Ginabayan ako ni Sir U papunta sa mini sala no'ng office. May kahoy na coffee table at kahoy rin ang mga upuan na may mga cushions.

Kinabahan ulit ako nang makita nang malapitan si Tito Gab. Ang seryoso kasi lagi ng mukha niya. Parang prof kong terror no'ng college.

Pinauna akong umupo ni Sir U tapos umupo na rin siya sa tabi ko.

"Let's wait for Bobby, paakyat na raw siya," sabi ni Tito Gab.

Mga ilang minuto lang, nagbukas 'yong pinto ng office. Nasilaw ako kasi may pumasok na kalbong malaki ang tiyan na naka-suit. Umupo siya sa tapat ko kaya kitang-kita ko 'yong hitsura niya.

Magkamukhang-magkamukha kami!

Bumalik 'yong kaba ko. Siya na ba? Siya kaya 'yong tatay kong never kong nakita?

"Jackie," siniko ako ng very light ni Sir U. "Are you okay?"

Maluha-luha akong napatingin sa kanya. "Sino siya? Bakit magkamukha kami?"

Um-ehem 'yong lalaking kalbo. "I'm your uncle. Kakambal ako ng tatay mong si Andrew."

Napanganga ako. Pa'no niya nalaman kung sino ang tatay ko?

"Maybe you're wondering how I knew all of that. I saw you last time sa party ni Leah and I immediately saw a resemblance. I asked Uriel if he can get some strands of your hair for DNA test and here's the result."

May inabot siyang brown envelope. Nilabas ko 'yong papel na nasa loob. 99% ang results ng paternity test ko kay Andrew Liu.

"Good thing we collected DNA samples from your dad before we bury him just in case na may mag-claim na anak niya."

May mga sinasabi pa siya pero walang nagsi-sink in sa'kin. No'ng mamatay ang lolo at lola ko, akala ko ako na lang mag-isa sa mundo. It's a prank pala. May kakambal pa pala ang tatay ko.

Naalala kong may picture na binigay sa'kin si lolo na sobrang iniingatan ko. Nilabas ko 'yong wallet ko at pinakita 'yong picture ni Andrew Liu at ng nanay ko.

Ngumisi si Bobby. "I knew it! Todo deny pa noon si Andrew na may relasyon sila but here you are, their love child. Anyways, nasa'n ang nanay mo?"

Umiling ako. "Hindi ko po alam."

"I guess that's enough, Sir Bobby." Pagputol ni Sir U sa pang-uurirat sa'kin ng tito ko. "It's a sensitive topic for Jackie and I think let us give her time to let everything sink in."

"Okay, okay." Tinaas niya ang dalawang braso niya na parang suko na siya. "I'm Bobby Liu. Welcome to the family, my dear niece."

*
Tulaley pa rin ako kahit na nasa kotse na ako ni Sir U. Walang nagsasalita. Radyo lang ang maririnig sa loob.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon