ANAK. Matagal ko na ring 'di naririnig ang salitang 'yon.
"Nandito na po siya sa condo. Natutulog pa po." Sagot ko kay Tita Leah.
"Gano'n ba? 'Nga pala, si Uriel kasi kapag may lagnat umiiyak. Sinabi ko lang kasi baka mabigla ka." May narinig akong pigil na tawa sa kabilang linya.
"Sige na, ikaw nang bahala kay Uriel ha? See you, anak."
Binaba niya na ang call.
Ang sarap sa pakiramdam nang pagtawag sa'kin ni Tita Leah ng 'anak'. Feeling ko very welcome na 'ko sa family.
Naalala ko may pasyente nga pala akong dapat alagaan. Bumalik na agad ako sa kwarto para gamitin ang old-fashioned method ng pagpapababa ng lagnat - the magic bimpo.
Piniga ko na ang bimpo at nilagay sa noo ni Sir U. Paiinumin ko na lang siya ng gamot kapag nagising na.
Sabi ni Tita Leah, umiiyak daw si Sir U kapag may lagnat. Totoo kaya 'yon? Ang interesting naman kung makikita kong umiyak si Sir U. Parang ang tigasin kasi nito eh, tipong kahit saktan mo na ng bongga 'di mo mapapatulo luha niya.
Hindi na 'ko nakapagpalit ng damit. Hinila ko ang swivel chair ni Sir U para doon na sumandal at makaidlip.
Naalimpungatan ako nang may marinig na humihikbi. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Alas-tres na ng madaling-araw.
Natakot ako ng very light kaso naalala ko ang sinabi ni Tita Leah kagabi. Chineck ko agad si Sir U at positive, siya nga ang umiiyak.
Lumapit ako at binulungan siya. "Sir U, nandito lang ako. 'Wag ka nang umiyak, okay?"
Dinilat niya ang mga mata niya habang suminghot-singhot pa. "Jackie?"
"Oo, ako nga." Tinulungan ko siyang maupo. "Inom ka na ng gamot Sir U para bumaba na lagnat mo."
Inabot ko sa kanya ang tablet at tubig. Naubo siya no'ng nilunok 'yong gamot.
Umupo ako sa tabi niya at hinimas-himas ko ang likod niya. "Dahan-dahan lang."
Umiiyak pa rin siya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Aaluin ko ba siya o hahayaan ko lang?
"Jackie..."
"Ano 'yon, Sir U?" Umupo ako sa tabi niya.
"Bad ka."
Huh? Tama ba ako ng narinig? Bad daw ako?
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Ang sama-sama mo."
Hala? Anong ginawa ko at naging masama ako?
"Bakit?" Takang tanong ko. "Bakit bad ako?"
Hindi niya ako sinagot. Sinandal niya lang ang ulo niya sa balikat ko.
"Dahil ba kay Brent?" No response. "'Di ba sinabi ko na sa'yo na 'di ko siya aagawin? Iyong-iyo lang siya, Sir U."
Maya-maya, tumigil na rin siya sa pag-iyak. Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama at pinunasan ang luha niya.
Bakit kaya naging bad ako? Ano bang ginawa ko sa kanyang masama? Siya nga itong bigla-biglang 'di namamansin tapos ako pa ang bad? Labo talaga nito ni Sir.
Hindi ko na nilagyan ng bimpo ang noo ni Sir U. Nakainom na naman siya ng gamot so for sure, mamaya bababa na rin ang lagnat niya.
Lumipat ako sa kabilang side ng kama para humiga. Nag-inat-inat muna ako bago mag-sleep.
Nagising din ako pagkatapos ng ilang oras. Bumangon na ako para magluto ng lugaw. Habang nagpapakulo, nag-check ako ng FB. Puro pics sa anniv ball ang bumungad sa'kin. Tawa ako ng tawa sa video ni Daryll at Tanya na nagsho-showdown ng kaldag sa slow dance. Ang titino talaga ng mga frenny ko kaya matino rin ako eh.
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomanceWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...