Chapter 37: Bounce Back

279 2 2
                                    

LOVE confession ba ang ginawa ni Sir U kagabi?

Humarap ako sa kabilang side ng higaan. Madaling-araw na pero 'di pa rin ako makatulog. Sir U kasi eh!

Sabi niya he won't mind na makasama ako sa pagtanda. Bakit? Anong dahilan? Possible ba na na-inlove na rin siya sa'kin? Na-hook na ba siya ng aking charms?

What if nade-develop na nga sa'kin si Sir U? Like, hello? Ilang buwan na kaming magkasama sa iisang bubong hindi ka pa ba mai-inlove sa katulad kong napakagandang dilag? Cheret!

Bumaligtad na 'ko ng higa. Pinatong ko ang paa ko sa headboard. Baka naman 'yong mga sinabi niya pampakilig lang? 'Lam mo na, parang sa mga love teams ngayon.

Dumapa naman ako pero nakapatong pa rin ang paa ko sa headboard. What if 'yong sinasabi niyang he won't mind na ako ang makasama niya sa pagtanda kasi gusto niya akong maging best friend? Kapag nga naman maging mag-bff kami, hanggang pagtanda talaga makakasama namin ang isa't-isa.

Bakit ko ba ino-overthink 'yong sinabi niya sa'kin kanina? Wala lang 'yon! Baka spur of the moment lang ang dahilan kaya nasabi niya 'yon. Those are just empty words. It doesn't mean anything. Oh, pak! Ang anteh niyo nag-English na naman.

Huhu, Lord gusto ko na pong makaidlip kahit saglit lang. Ayoko na pong i-overthink 'yong mga sinabi kanina ni Sir U. May work pa po ako mamaya. Bangag na naman akong papasok nito. Please lang po, hayaan niyo na po akong dalawin ni mareng Antok.

*

Ilang oras din siguro akong nakatulog kaya bangon agad ang lolah niyo pagkarinig ng alarm. Mahirap na, baka magka-extension pa ang tulog ko tapos 'di na naman ako makapasok.

Kinakamot ko pa 'yong tiyan ko palabas ng kwarto nang may makita ako sa kusina.

"Sir U!" Sigaw ko ng pabulong. "Bakit ka na naman--!" Stop Jackie. Baka magtampo na naman siya sa'yo.

Humarap siya sa'kin na nakasuot pa ng apron. Gulo-gulo pa ang buhok niya, kagigising lang din siguro.

May naramdaman akong...init? Shems, not now. Inosente pa si Sir U sa mga gano'ng bagay. Erase, erase!

"Nagluluto ka ba ng breakfast? Gusto mo ba tulungan na kita diyan?" tanong ko.

"Thanks a lot Jackie," sagot niya. "Gusto ko sana ng fried rice but I'm afraid na maging salty ang timpla ko."

"Oh sige, ako na 'to." Nilabas ko sa ref ang one day old naming kanin. Si Sir U naman, busy magprito ng hash browns at pancakes.

"Tell me," sabi niya habang nakapameywang na nagpiprito. "Pa'no ka natuto magluto?"

Tapos ko nang durugin 'yong kanin na tumigas. Kaya nagpainit na 'ko ng mantika sa malaking kawali. "Si Lola nagturo sa'kin. No'ng una, hit and miss ang timpla ko. Hanggang sa na-perfect ko na rin kasi ako na ang laging nagluluto para sa kanila."

Tumango siya. "Halos lahat ba, kaya mong lutuin?"

Nilagay ko na 'yong dinurog na bawang. Mas mabango at masarap ang fried rice kapag maraming bawang. "Mostly. Siyempre, 'di ko kayang gawin 'yong lutong pang-restau 'no."

"Hehe," sagot niya sa sinabi ko. Napatingin ako kay Sir U. Anong trip ni Sir U at nagtatanong na siya about sa life ni yours truly? Tapos siya na rin ang nagluluto ng agahan. Anong espiritu ng kasipagan ang sumanib dito at ganito ang ginagawa niya ngayon?

Nilagay niya na sa mesa 'yong natapos niyang prituhin. Ngayon naman sunny-side up eggs at hotdog ang niluluto niya. Hinahalo-halo ko naman 'yong sinangag at nilagyan ng kaunting asin pampalasa.

"By the way," humarap siya sa'kin na nakapameywang. Sa'n ba nakuha ni Sir U ang habit na habang nagluluto nakaganyan?

"From now on, mali-late na ako ng uwi. There's a new product that we will launch eh."

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon