MALAWAK na modern bungalow house ang bumungad sa'min pagbukas ng gate. May open space 'yong bahay, perfect kapag gusto mong magkape sa umaga at tumulala for an hour habang nakikinig sa twit-twit ng mga birds.
May garden din! Pansin ko silang tatlo mahilig sa mga halaman. No'ng nasa apartment pa 'ko ni Tita Ruth, may mini garden din ang bahay niya na puro orchids ang nakasabit.
"Ang ganda naman ng bahay mo sis!" Bati ni Tita Ruth pagbaba ng sasakyan. "So preppy."
Natawa ako sa term niya. "Tita, nasa'n pala si Lengleng?" tanong ko habang naglalakad.
"Hay nako, may research paper daw sila. Overnight din sa bahay ng kaklase niya. Gusto ngang sumama rito, sabi ko unahin ang grades niya."
"Sure ka bang research paper 'yon?" Si Tita Esther. "Parang 'yan din ang dinahilan mo kay mommy no'ng araw para makipagkita sa tatay niyang si Lengleng eh."
"Sinabihan ko na nga 'yang batang 'yan. Okay lang kako ako sa mga overnight-overnight basta umalis siyang mag-isa dapat umuwi rin siyang mag-isa. Tsaka 'di research paper dinahilan ko noon, thesis!"
Tawa nang tawa si Tita Leah habang naglalakad kami papunta sa bahay. Kumapit siya sa braso ko.
Malapit na kami nang may sumalubong sa'ming matandang babae na may kasamang golden retriever na aso. Pagkakita ng aso kay Tita Esther, tumakbo ito palapit sa kanya.
"Alaga ko nga pala, si Misty." Kumahol 'yong aso sa'min. "Ito naman si Aling Tinay, kasambahay ko na siya for ten years na."
"Ha? May nagtagal sa'yong kasambahay? Sa sungit mong 'yan?" pang-aasar ni Tita Ruth kay Tita Esther. Inirapan lang siya nito.
Pumasok na kami sa loob. Nakaka-relax ang color theme ng bahay. Green and white. Mostly din ng gamit sa loob ay gawa sa rattan or wood. May mga indoor plants din.
Umupo kami sa sofa. "Ang presko naman ng bahay mo. Sabagay, mabilis din kasi mag-init 'yong ulo mo eh. Perfect!"
"Sige, mang-asar ka pa Ruth. Wala ka na namang magawa eh." Saway ni Tita Esther. "Are you hungry? Ipapa-serve ko na 'yong dinner."
Tumango kaming tatlo. Inaya niya kami sa back part ng bahay. May swimming pool pala rito!
"Whoah, this is my first time seeing this. Parang a year ago, pinapagawa mo pa lang 'to 'di ba?" Si Tita Leah.
"Yeah, may mga times kasi na gusto kong mag-night swimming. Most of the time, may mga tao sa club house so nagpagawa na lang ako para sa sarili ko," sagot ni Tita Esther habang hinihintay 'yong dinner namin sa naka-set na table.
"Sosyal naman ng sisterette ko, what if magpagawa rin ako ng ganyan sa lugar namin?" sabi ni Tita Ruth.
Natawa ako. "Tita, hindi 'yan kasya sa lugar natin. Inflatable pool pwede pa."
Naputol ang usapan namin nang maglabas si Aling Tinay ng mahabang dahon ng saging. Pinatong niya 'yon sa foldable na lamesa. Nilagyan niya rin ng kanin, pritong tilapia, malalaking hipon, liempo, chicken inasal at kamatis 'yong dahon. Style boodle fight pala ang gagawin namin.
"Marunong pa naman siguro kayong kumain ng nakakamay 'no?" tanong ni Tita Esther.
"Oo naman!" Energetic na sagot ni Tita Ruth. "Ang sasarap naman ng mga ulam, 'di halatang pinaghandaan mo 'to sis."
"Hindi talaga. Kanina ko nga lang pinlano lahat eh," pagsakay ni Tita Esther sa kakulitan ni landlady, ay, ni Tita Ruth.
Sa kanilang magkakapatid, pansin kong si Tita Leah ang pinakatahimik. Ngumingiti o tumatawa lang siya sa pagsasagutan ng dalawa. May pinagmanahan pala si Sir U ng pagiging introvert. Si Tita Ruth ang pinakamakulit sa kanila. Puno siya lagi ng energy. Baterya yata ng jeep ang pinagkukuhanan niya ng lakas. Naalala ko sa kanya 'yong tukmol na si Brent. Si Tita Esther naman ang seryoso at madaling mairita sa overflowing energy ni Tita Ruth. Hindi ko tuloy maiwasan na makita ang sarili ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/345042875-288-k544847.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomanceWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...