KAILANGAN kong makinig nang mabuti. Mahalaga na malaman ko ang mga detalye about sa family ni Sir U. Hinanda ko na rin ang mga braincells ko kasi panigurado mapapasabak na naman sila sa pag-intindi ng English.
"Mom is the youngest among three girls, they're known as the Tres Marias to those who know their family.
Tita Esther is the eldest. She's the only one who doesn't have her own family. She also has an intimidating personality so baka mailang ka kapag nagkakilala na kayo. She's also frank that's why a lot of people doesn't like her."
Mukhang intriguing ang panganay na Tita ni Sir U ah? Magkakasundo kaya kami?
"The second, I don't know that much since I don't see her often. I just know her name, Ruth."
"Bakit 'di mo siya nakikita?"
"Ma doesn't like to talk about her pero I heard she ran away with her lover kasi Lolo didn't like the man she loves."
Aba, mas juicy ang mga chika sa mother side ni Sir U ha?
"Tingin mo, pupunta siya sa birthday ni Tita Leah?"
"I'm not sure," sumandal na siya sa headboard ng kama at kinumutan ang legs niya. "Every year Ma always sends an invitation to her house pero hindi siya pumupunta."
Ang lungkot naman no'n. "Sana this year makapunta na si Tita Ruth mo para makilala ko rin siya." Tumayo na ako sa swivel chair at naglakad papunta sa kabilang side ng kama. "Bukod do'n may dapat pa ba akong malaman?"
Umiling siya. "No more. Patay na si Lolo and Lola so it's just the three of them. Hindi rin naman gano'n kalaki ang family ni Ma."
Umupo ako sa gilid ng kama. "Sino-sino pa bang mga invited?"
"I think business partners ni Dad and mga amiga ni Ma."
Nakahinga ako ng maluwag. "Sure ka bang walang katulad ni Angelo sa mga bisita nila?"
Napangiti si Sir U. "None, my mom's family is not that chaotic."
"Good," humiga na ako at nag-inat-inat. "Good night Sir U. See you in my dreams."
"Good night Jackie," lumapit siya sa pwesto ko at hinalikan niya ako sa noo.
Na-shookt ako. Hindi na bago sa'kin na halikan ako ni Sir U sa noo pero bago matulog? Really?
Parang nagulat din si Sir U sa ginawa niya. Nag-ehem siya. "I need to act sweet para hindi nila mahalata sa party na this is all hoax. I hope you don't mind."
Sus! Kahit langgamin pa tayo sa sweetness mo, keri lang. "Okay lang, Sir U. Alam ko na you're a man of habit." Ngumiti ako bago tumalikod sa kanya at baka mahalata niya pang kinikilig ako.
Naramdaman kong tumalikod na rin siya sa'kin. Hayst, ano ba naman 'tong si Sir U. Matutulog na nga lang 'yong tao, nagpapakilig pa.
----*
D-Day. Nandito ulit ang glam team na hinire ni Ate Marian no'ng anniv ball. Hindi kami masyadong nagmamadali ngayon since hotel sa QC ang venue ng birthday party ni Tita Leah.
Sobrang aga rin umalis ni Sir U. Tulog pa yata ako gumayak na siya para gumora sa bahay nila.
5 PM pa ang party kaya alas-tres pa lang, sinimulan nang ayusan si ate Marian. Ang ganda-ganda niya kahit hindi pa siya nami-make up-an. What more kapag meron na?
"Hello mga seswang!"
Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon kahit pa-girl ang atake. Lumapit siya kay ate Marian at nakipag-beso beso. "Ganda-ganda naman ng sisterette ko! Bongga!"
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomanceWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...