Sa lilim ng iyong silid na malalim,
Kung saan naghahari ang kawalan at dilim,
Ako'y isang bintana, mahina't marupok,
Upang magbigay liwanag, banayad at lambot.Bagaman kulang sa lakas upang mapawi ang kadiliman,
Ako'y nag-aalok ng tanglaw upang hilain ka mula sa kailaliman,
Isang haplos ng init, isang patak ng kagandahan,
Upang magbigay liwanag, at pumawi ng iyong kalungkutan.Kaya sa dilim, mananatili ako sa iyong tabi,
Aagapay sa iyo, papawi ng iyong mga luha't hikbi.
Isang munting sinag ng pag-asa, isang gabay na iyong magiging pansamantalang kaaliwan at tahanan.Kaya naman tanggapin mo itong aking munting sinag,
Upang pawiin ang dilim, at magbalik ng iyong sigla't lakas.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...