15. Sulo Ng Karunungan

50 11 0
                                    



Sa landas ng buhay, aral ay itaglay,
Sa puso'y ikintal, walang kapantay.
Ito'y magiging kumpas sa iyo sa mundong nagbabago't baku-bako.

Gamitin mo itong sulo ng karunungan, hindi sandata sa laban o pakikipagbuno.

Ang liwanag mo'y ipagmalaki, kabataang may ningning,
Isang tanglaw sa dilim, sa mundo'y nagbibigkis.

Sa iyong pag-alis, maging daan ng pag-ibig,
Ikalat ito nang may wasto, upang sa kahusayan ang lahat ay matuto.

Itaas ang iyong noo, tanda ng kabutihan,
Kabataang may dangal, sa bawat hakbang.

Huwag ikahiya ang layo mo sa karahasan at kasamaan,
Punuin ang isipan ng dunong at pagmamahal sa bayan.

Maging korona sa mga bayaning nagbuwis ng buhay,
Ang kanilang sakripisyo'y pahalagahan sa paglalakbay.

Ang pagmamalasakit at pag-ibig, maging liwanag,
Anino ng aking pagmamahal, sa iyo'y magiging tanging gabay.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now