80. Gunting

30 4 0
                                    

Sa matalim na gunting, kapangyarihan ay taglay,
Upang putulin ang mga bagay na nag-uugnay,
Maging tao, bagay, o alaala ng kahapon,
Na nagdudulot ng pait, lungkot, at lumbay.

Ang gunting na ito, simbolo ng paglaya,
Sa mga bagay na nagpapabigat sa buhay, at minsang pagkawala,
Kapangyarihan na magtanggal ng pasakit,
Upang muling magningning ang puso't diwa natin.

Sa bawat korte, kalayaan ay nangyayari,
Mula sa pagdurusa, hinanakit, at lungkot na walang humpay,
Lumilikha ng puwang para sa kaligayahan,
Sa bagong simula ng kapayapaan at kasiyahan.

Kaya't gamitin natin ang kapangyarihang ito,
Upang putulin ang mga bagay na nagdudulot ng pighati,
Sa paglaya, pag-asa'y muling mabubuhay,
At sa puso't isip, liwanag ang magtatagumpay.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now