89. Mga Labing Hindi na Muling Mahahagkan Pagkatapos ng Kamatayan

23 2 0
                                    

Ang kamatayan ay hindi nagbibigay sa akin ng takot, ngunit ang hindi ka na masilayan pagkatapos nito ay humihila sa akin sa pinakamalalim na lungkot.

Landas na minsan pinagtago,
mga kasiyahang walang bigo,
mga ala-ala na nagbibigay ng sigla't lukso,
hindi na muling maaalala pagkatapos sa kamatayan magupo.

Hindi galing sa takot sa kamatayan, kundi sa mga luha't ngiting hindi na muling masisilayan.
Mga kamay na hindi na muling mahahawakan,
mga labing hindi na muling mahahagkan,
at yakap na hindi na muling mapagsasaluhan.

Iyon ang nagbibigay sa akin ng labis na kalungkutan, ang katotohanang hindi ka na makakasama pagkatapos ng kamatayan.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now