34. Eros Pragma: Katulad Ka ng Isang Bahay na Natatayo sa Ibabaw ng Bato

43 12 0
                                    

Maaaring ang ating mundong ginagalawan ay isang pabrika ng kalungkutan.

Mukhang walang katapusang panustos ng sakit ng puso at pagkabigo, mula man sa ating mga naging desisyon o sa mga bagay na lampas sa ating kontrol.

Narito tayo sa mundo at nabubuhay sa isang serye ng mga problema na sa tuwing malalagpasan natin ang isa, mayroon naghihintay na kasunod pa.

Mula sa tahimik nating pag-iisip, hinihila tayo nito mula sa pagkabagbag.

Maaaring sa buhay natin ay may mga pangyayaring di maiiwasan at ang mga ito'y nakakapanghina sa atin, nguni't ang mahalaga ay kung ano ang ginagawa natin dito.

Humahanga ako sa angkin mong katapangan at katatagan, katulad ka ng isang bahay na itinayo sa ibabaw ng batuhan.

Lumagpak man ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hampasin man ito, hindi babagsak sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now