106. Mahal Ko, Katagpuin Mo Ako sa Aking Panaginip

5 1 0
                                    

"Mga araw na tayo'y magkasama,
Bumabalik sa aking ala-ala,
Masayang pag-ibig, nagdadala sa akin ng luha."

'Mahal Ko, Katagpuin Mo Ako sa Aking Panaginip'

Dalawin mo ako sa aking panaginip. Ang iyong ngiti ay nais kong muling masilip; sa yakap mo manahan sa pag-ibig, at muling maranasan ang iyong mga halik.

Sa panaginip, katagpuin mo ako. Magkita tayo kahit saglit, gawaran mo ako ng mga marubdob na halik sapagkat ang puso ko ay muling nadudurog sa pagkawala't sakit.

Nais kitang makita, mahawakan, mayakap,
At ang iyong halik, muli kong maranasan.
Kaya naman, sa aking panaginip ika'y dumalaw, katagpuin mo ako, magkita tayo kahit saglit.

Mga araw na tayo'y magkasama,
Bumabalik sa aking ala-ala,
Masayang pag-ibig, nagdadala sa akin ng luha.

Ang iyong hagikhik, ang iyong tawa, nais kong muling marinig sa aking mga tainga. Sa panaginip, makipag-usap ka sa akin kahit saglit.

Ako'y nagsusumamo sa langit,
Na bigyan ka niya ng pahintulot na ako'y katagpuin.
Sa malalim na panaginip, pag-ibig natin ay gunitain.

Nais kitang makita, makausap, mayakap,
At ang iyong halik, muli kong maranasan.
Mahal ko, katagpuin mo ako sa aking panaginip,
Aking pakiusap sa iyo, kahit saglit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now