Paano ko pa nanaising mabuhay kung siyang naging dahilan ko upang magpatuloy ay nawala?
Paano ko pa nanaising mabuhay kung sa pagmulat ng aking mga mata ay hindi ko na siya makikita?
Paano ko pa nanaising mabuhay kung hindi na siya magiging kabahagi sa aking mga gawa?
Maaaring sisikat ang araw upang magbigay ng liwanag, ngunit hindi nito mapapawi ang kadiliman na araw-araw kong maaaninag.
May kabuluhan pa ba kung ako'y magpapatuloy ng aking buhay sa ilalim ng araw?
May araw ba na magbibigay sa akin ng saya kahit wala na siya?
Kapag dumating ang araw na kauhawan siya ng aking kaluluwa at ng aking puso, may lugar ba na maaaring makapagturo sa kanya?
May lugar ba na makapagtuturo sa akin upang mapawi ang aking kalumbayan, kauhawan, at pananabik sa kanya?
May araw bang makapagbabalik sa kanya at makapagbabangon ng buhay niya?
Paano ako magiging masaya at magagalak sa lahat ng araw sa ibabaw ng lupa kung siyang aking tanglaw ay nawala?
Mangangapa na lang ba ako sa kadiliman habang naghihintay ng aking takdang kamatayan upang makasunod sa kanya?
Sabihin mo sa akin, ano ang aking gagawin? May dahilan pa ba upang magpatuloy?
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...