28. Sa Yakap ng Kamatayan, Dulo ng Lahat ng Paglalakbay.

41 11 0
                                    

Ang yaman ng mayaman, moog na matatag at dakila,
Kastilyo sa isip, taas ay di mawawala.

Ngunit ang katotohanan, sa kamatayan walang takip,
Walang mataas na pader sa libingan ay di makikilip.

Walang kastilyong mataas na makapagliligtas ng buhay,
Mayaman man o dukha, matalino o hangal, kamatayan ay kapalaran.

Iisang landas ang ating tinatahak, saan man patungo ng buhay,
Sa yakap ng kamatayan, dulo ng lahat ng paglalakbay.

Paglipas ng buhay, yaman ay di sumasabay,
Walang kaluwalhatian na sumusunod sa hangganan ng paglalakbay.
Hubad tayong dumating, mula sa sinapupunan,
Hubad tayong aalis, kayamanan maiiwan.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now