59. Eros Pragma: Mahal kita, Arceilla, Sa Tunay na Kahulugan Nito.

37 11 0
                                    

Ang maraming tubig ay walang kakayahang makatupok sa nag-aalab na pag-ibig, ni mapapigil man ng mga baha.

Patunayan natin sa lahat na walang maaaring makapagpigil sa ating pagmamahalan.

Kung hindi man magiging maganda ang wakas nito, ang mahalaga ay lumaban tayo.

At sino bang makakapagsabi kung ano ang magiging dulo nito?

May mga bagay na totoong naroon kahit hindi natin nakikita, malayong malayo man dahil sa distansya, o malabong malabo man dahil nalalambungan.

Sapat na ang pag-ibig upang magpatuloy.

Mahal na mahal kita, Arceilla. Mahal na mahal rin kita.
Mahal kita sa tunay na kahulugan nito.

Walang bagay ang maaaring makakatumbas ng aking pagmamahal sa iyo.

Anuman ang mangyari o maging dulo nito, ay nakahanda ako.

Hindi ko pagsisisihan na itinakbo kita at tumakbo ako sa piling mo.

Hindi man maintindihan ng lahat ang ating pag-iibigan nguni't sapat na tayo ay nagkakaunawaan. Sapat na ang ating nararamdaman, ang ating pag-ibig.

Kung ang pagmamahal ko sa'yo ay katulad sa paglalakad ng nakayakap sa alambre, hindi ko iisipin ang sakit sapagka't sa iyo'y tapat ang aking pag-ibig.

Kung pagmamahal ko sa iyo ay katulad sa paglalakad sa dilim, magpapatuloy ako sa aking lakad sapagka't naniniwala ako na walang dilim na mananatili at hindi niya habambuhay maikukubli ang liwanag.

Mahal na mahal kita, Arceilla, at sapat na itong dahilan upang magpatuloy.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now