Ang ala-ala ay naghahanap mula sa aking ugat, madilim na alapaap na nagtatakip ng liwanag. Ngunit bakit itong kadiliman ay hindi ako itinatago sa pasakit at hirap?
Hinihila ako nitong kadiliman sa pagkabagbag ng lahat ng maluwalhating kalungkutan na nagdadala sa akin sa labis na pahirap.
Walang salitang makapaglalarawan sa sakit na aking dinadanas. Sa kadiliman na bumabalot sa liwanag, ako nga'y dumadaing ng hirap.
Ang aking mga luha ay dinidiligan ang aking hiligan. Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kahirapan.Hangad ko lang naman ay kasiyahan, ngunit bakit ang dumating sa akin ay labis na kaparusahan?
Ako'y tila binuhusan ng malamig na tubig at lahat ng aking buto ay tila nanganginginig. Ang aking puso ay parang pagkit na natutunaw sa sakit at walang magawa kundi mapapikit kasabay ng luhang nangingilid.
Kunin mo ako kadiliman sa ilalim ng araw at dalhin mo ako sa Sheol na walang ala-ala, sa kahihiyan at kalungkutan ay nais ko nang makapagpahinga. Lahat ng aking kaarawan na walang kabuluhan ay nais ko nang mabura.
Sa Sheol na walang katha ni karunungan man, sa libingan ng mga patay na iyong paroroonan.
Dalhin mo ako roon, upang ako'y makalimot sapagka't sa bigat ng loob ako'y lipos. Mula sa alabok ibalik mo ako sa alabok upang lahat ng pasakit at kalungkutan ay tuluyan ko nang malimot.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoesiaWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...