Patawad, sapagkat hindi ko na maisasakatuparan ang aking mga pangako.
Patawad kung sa mundong ito ikaw na lang ang mag-isang tatayo.
Patawad kung sa mga pinangarap natin hindi mo na ako kasamang bubuo.
Patawad, patawad, patawad.
Sa lupain ng pag-ibig, ninais kong ika'y mayakap, makasama ka sa iisang tahanan na puno ng pangarap.
Gumawa ng supling, at mahalin sila ng may buong-sikap.
Ngunit ang pag-ibig na minsan nating pinangarap, hinding-hindi na malalasap.
Nais kong mabuhay ng libong taon sa pag-ibig na walang hanggan.
Ngunit ang kamatayan, ngayon ay nasa harapan.
Sa yakap ng kalungkutan, ang aking kaluluwa'y humihiling, sana'y mahanap mo ang kaligayahan, kahit wala na ako sa iyong piling.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...