Kamatayang humahabol sa aking panaginip, Ngunit ikaw ay tila ligtas na himig.
Ako'y iyong tinulungan at sinagip, at mahigpit na niyakap ng pag-ibig.
Ginoo sa loob ng aking pagpikit, Tagapagligtas sa panganib, minamahal sa panaginip, ngunit nawawala pagkatapos ng idlip.
Sa paglalakas-loob, mahigpit kong hawak,
Pagnanais sa umaga, kanyang yakap.
Hindi maghihiwalay, hindi lalayo,
Inaasam na siya'y makasama pagkatapos ng pagtulog.
Sa saglit na iyon, sa kanyang tabi'y dumikit,
Takot na bitawan, lalim na pag-ibig.
Kanyang presensya'y ninanais, hindi lang sa panaginip.
Ngunit sa aking paggising, wala na siya at hindi mahagip.
Sa panaginip, tayo'y nag-uugnay,
Ngunit sa totoong buhay, landas ay magkahiwalay.
Hindi magkakilala, ngunit may koneksyon na nadarama,
Sa yakap ng panaginip, sa totoong buhay ninanais kang mahatak at makasama.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...